Categories: Health

“Hindi kami makakauwi dahil wala kaming mga tahanan!”Ito ang pahayag ng mga matatandang nakatira sa Manila Bay

Dahil sa krisis na kinakaharap sa ngayon ng ating bayan pati na rin ng ilan pang mga bansa sa buong mundo, lahat ng mga tao ay mahigpit na pinapaalalahanan na manatili na lamang sa kanilang mga tahanan at huwag nang lumabas pa kung hindi naman talaga kinakailangan.

Kung mayroong mga Pilipino na hindi magawang manatili sa loob ng kanilang mga tahanan dahil sa kinakailangan nilang maghanap-buhay para sa kanilang sinusuportahang pamilya, mayroon namang iilan na gustuhin man nilang manahimik sa kanilang mga tahanan ay wala naman silang sariling tirahan kahit noon pa man.

Isa na marahil sa mga taong ito ang 68 taong gulang na si Tatay Lamson. Ang mga bata, matatanda, at mayroong mga sakit na tao ang may malaking tyansa na mahawa at bawian ng buhay dahil sa naturang karamdaman.

Ngunit sa kabila nito ay wala namang ibang pagpipilian pa si Tatay Lamson at ang iba pang mga matatandang naninirahan sa Manila Bay dahil sa wala silang tahanan. Marami na ring nagpapatupad sa ngayon ng curfew ngunit paano mo nga ba ito maipapatupad sa mga taong sa lansangan naninirahan?

Ayon kay Tatay Lamson, sinabihan na sila ng mga otoridad na umuwi sa kanilang mga tahanan ngunit wala silang sariling tahanan. Dagdag pa ng matanda ay hindi sila natatakot sa virus dahil mas takot pa sila sa gutom at sa kahirapan na nararanasan na nila sa ngayon.

Isa lamang si Tatay Lamson sa mga matatandang nakatira sa Manila Bay Boardwalk. Ayon din sa matanda ay mayroon pa rin siyang mga anak sa probinsiya ngunit wala na siyang kahit ano pang contact sa mga ito.

At ngayon nga na ipinapatupad na ang lockdown sa maraming mga lugar sa Pilipinas at suspendido na rin ang mga transportasyon ay wala na siyang ibang mapupuntahan pa kundi ang nakasanayan niyang tahanan, ang boardwalk.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago