Categories: Viral

Photographer, sinugal ang kaniyang buhay nang tumalon ito sa isang whirlpool upang malaman kung ano ang nasa loob nito!

Sadyang napakaraming mga bagay ang sa mundo ang nagpapamangha sa atin sa araw-araw. Marami sa mga ito ang talagang hindi maipaliwanag ng Siyensya at kinakailangan pang pag-aralan nang mabuti.

Marami pang kailangang ekspiremento bago pa man malaman ang tunay na kasagutan. Tulad na lamang ng isang photographer na ito na nais malaman ang kasagutan kung ano nga ba talaga ang nasa loob ng isang “whirlpool”.

Ang isang “whirlpool” o “alipuyo” ay ang pag-ikot ng tubig sa ilog o dagat na madalas ay nagdudulot sa isang bagay upang mahatak nito pailalim. Delikado ito kahit pa sa mga propesyonal nang manlalangoy.

Marami sa atin ang talagang takot sa mga ganitong bagay ngunit tila naiiba si Jacob Cockle na isang British photographer dahil sa walang takot lang naman niyang tinalunan ang naturang “whirlpool”. Noon pa man ay nakilala na siya sa mga mahuhusay niyang kuha sa ilalim ng katubigan.

Bitbit ang kaniyang lente ay matapang na sinuong ni Jacob ang panganib para lamang magkaroon ng kasagutan ang kaniyang mga tanong. Talaga namang nakakatakot ang ginawa niyang ito dahil sa hindi batid ng kahit sino man ang maaaring mangyari sa kaniya.

Bagamat hindi naman nalagay ang kaniyang buhay sa panganib ay marami pa ring mga tao ang nag-alaala sa kaniyang kaligtasan. Sobrang delikado man ng kaniyang ginawa ay naging ligtas pa rin naman siya pagkatapos.

Tunay nga na walang masamang hanapan ng kasagutan ang ating mga tanong patungkol sa ating kapaligiran ngunit hindi rin dapat natin kaligtaan ang mga bagay na maaaring magdulot sa atin ng panganib lalo na kung hindi tayo magiging maingat sa mga bagay o sa mga desisyong ating gagawin sa buhay.

Marahil ay nakakatakot nga ang ginawang ito ni Jacob ngunit pinapakita lamang niyang maari pa rin naman tayong tumuklas ng marami pang mga bagay sa ating paligid lalo na kung mayroon din naman tayong kakayahan na mahanapan ng kasagutan ang ating mga katanungan.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago