Categories: Family

Luigi Muchlach ipinasilip ang napakagandang tahanan ng kaniyang pamilya sa Tagaytay!

Si Luigi Muchlach ay 33 taong gulang na chef at isang kilalang personalidad dahil ang kaniyang mga magulang ay sina Janice De Belen at Aga Muchlach. Kamakailan lamang ay ibinahagi niya sa isang vlog kung paano nila nabuo ng kaniyang misis ang pangarap nilang bahay na matatagpuan sa Tagaytay.

Sa kanilang YouTube channel ay masayang inalala ng mag-asawa ang naging pagsisimula nila sa kanilang dream house noong Enero 2020. Ayon sa Instagram post ni Luigi ay nasabay pa sa pagputok ng bulkang Taal kung kaya naman naging napakahirap na pagsubok ito para sa kaniya at para sa kaniyang pamilya.


Ngunit sa kabila ng naging suliranin nila ay ginamit nila itong sandata upang mas makatulong pa sa mga taong nangangailangan lalo na sa mga taong naapektuhan ng naturang sakuna. Si Luigi kasama ang misis niyang si Patty ay nangalap ng tulong mula sa kanilang mga kaibigan upang makapagluto at mapakain nila ang mga pamilyang nakaranas ng hagupit ng bulkang Taal.

At dahil na rin sa mga kabutihang nagawa nila sa kanilang kapwa ay nagkakaroon sila ng pagkakataong matupad ang kanilang pangarap na maayos na tirahan para sa lumalaki nilang pamilya. Noon ay isang eskwelahan ang property na nabili ng mag-asawa kung kaya naman pinaayos nila ito at mas pinaganda pa.

Ang kanilang “main house” ay ang dating “pavilion” ng naturang paaralan. Dahil sa isang chef si Luigi ay ninais niyang magkaroon ng kitchen studio at neolith countertop ang balak niyang ilagay sa gitna nito kung saan maayos itong makikita sa harapan ng kamera.

Talaga namang namangha ang publiko dahil sa lawak ang ganda ng kanilang dream house. Marami rin ang nakakuha ng inspirasyon sa kanilang kwento na hindi naging madali para sa kanila ang makamtan ang mga bagay at ang mga tagumpay na tinatamasa nila sa ngayon.

Ito ay dahil sa kanilang determinasyon, pagsusumikap, pagmamahalan at pagtitiwala sa Diyos.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago