Categories: Viral

Netizen na umorder ng “Calvin Klein” online nakatanggap ng “Calvni Klein”!

Sa panahon natin ngayon ay napakadali nang gawin ang maraming mga bagay kahit nasa bahay lamang tayo. Marami sa atin ngayon ang “work from home”, nag-aaral sa pamamagitan ng mga “online classes”, nagtitinda at bumibili ng mga produkto “online”.

Ilan sa mga bagay na naging madali na para sa atin ngayon ay ang pamimili ng ilan sa mga pangunahin nating pangangailangan sa ating tahanan. Hindi na kakailanganin pang lumabas ng ating mga tahanan at sumakay ng pampublikong transportasyon para lamang mabili ang kinakailangan natin.

Mas ligtas at sigurado pa tayong makakaiwas tayo sa matataong lugar lalo na sa panahon ng pandemya. Isang pindot lamang sa ating mga gadget ay talaga namang mapapadali ang ating pamimili. Ngunit hindi rin natin maiiwasan ang mga hindi magagandang karanasan natin dahil sa “online shopping”.

Ilan sa mga kilalang online shopping websites sa ngayon ay ang Lazada, Shopee, Alibaba, Amazon, at eBay. Kamakailan lamang ay nagbahagi ng kaniyang pagkadismaya ang isang netizen sa social media dahil sa nabili niyang produkto sa isang online shopping platform.

Siya ay nakilala bilang si Jayrous Villanueva. Ayon sa kaniyang social media post na agad na nag-viral online, umorder siya ng dalawang “sets” ng “Calvin Klein” underwear ngunit “Calvni Klein” ang dumating sa kaniyang bahay! Agad naman siyang nagmensahe sa “online seller” ngunit sinabi nitong magkamukha lamang ito ng brand.

Iginiit naman ni Villanueva na hindi magkamukha ang mga brand na ito dahil sa unang una ay magkaiba ang pagbaybay ng mga salitang “Calvin Klein” at “Calvni Klein”. Ayos lang daw sa kaniyang hindi na maibalik pa ang kaniyang pera ngunit nais niyang magawan ito ng aksyon upang hindi na maranasan pa ng ibang mamimili.

Ipinaalala din niya sa maraming mga Pilipino ang RA 7394 (Consumer Act of the Philippines), ito ang batas na nagpoprotekta sa mga Pilipinong mamimili at nagtatatag ng mga pamantayan sa industriya ng pagnenegosyo sa bansa.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago