Categories: Showbiz

Cristy Fermin, dumipensa sa mga bumatikos kina Edu Manzano at Cherry Pie Picache, sinabing mayroon naman silang karapatang lumigaya!

Nitong nagdaang mga linggo ay naging mainit na usap-usapan ang mga sweet na larawan nina Edu Manzano at Cherry Pie Picache. Lalo pang umingay ang espekulasyon sa tunay nilang relasyon nang mag-post ang aktres ng kanilang mga larawan nang sila ay nasa New York kasama ang ilan nilang mga kaibigan.

Matapos nito ay napabalita rin ang diumano ay pag-unfollow ni Edu at ng kaniyang non-showbiz girlfriend na si Iryne Garcia sa isa’t-isa sa kanilang mga social media account. Kasunod nito ay nagkaroon din ng kumpirmasyon mula sa aktor na inamin daw nito sa news anchor na si Cheryl Cosim na mayroon nga silang relasyon ng batikang aktres.

Marami ang nagulat sa naging balitang ito ngunit marami din naman ang sumuporta sa kanilang relasyon at sa privacy nilang dalawa. Ngunit hindi rin naman maiiwasan ang ilang mga tao na talagang babatikos at huhusga sa kanilang dalawa.

Kung kaya naman ilang mga personalidad ang dumipensa sa kanilang dalawa tulad na lamang ng batikang kolumnista na si Cristy Fermin.


“May mga kaibigan kasi ko, hindi na nila tanggap, kasi panahon ng milenyal, ‘yung mga pagpo-post nila ng retrato.’Yung sa Florida, ‘yung kay Cherry Pie. Para silang nahihilasan, ‘di ba, parang ‘Ano ba naman ang dalawang ‘to,’ mga ganyan. Kasi nga, hindi nila tanggap.” Pagsasalaysay ni Cristy.

“Saka ganyan ang mga reaksyon, ‘Diyos ko, ano ba naman ‘tong mga ‘to, katatanda na e.” Dagdag pa niya.

Para sa batikang kolumnista, may karapatan naman daw lumigaya ang dalawang mahuhusay na artistang ito. At kung talagang nagmamahalan sila ay wala naman din tayong karapatan upang humadlang.

Lalo na at pareho naman silang single at pareho silang malayang magmahal.Tunay nga na maraming mga Pilipino ngayon ang basta-basta na lamang bumabatikos o humuhusga sa kanilang kapwa.

Marahil ay mas nararapat lamang na mas matuto tayong gumalang at rumespeto sa kanilang nararamdaman at huwag nang magsalita pa ng mga negatibong komento tungkol sa kanila lalo na at wala rin naman itong maitutulong na maganda.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago