Categories: Showbiz

Asawa ni Alfred Vargas na si Yasmine Espiritu, taglay pa rin ang angking kaseksihan kahit na mayroon na silang tatlong mga anak!

Si Alfredo Paolo Dumlao Vargas III ay 40 taong gulang na aktor, modelo, at pulitiko. Marami ang humahanga sa kaniya dahil sa angkin niyang kagwapuhan at kakisigan mula noon hanggang ngayon.

Sa ngayon ay isa na siyang public servant ngunit paminsan-minsan ay nabibigyan pa rin niya ng panahon ang pag-arte at paggawa ng ilang mga proyekto. Isa na marahil sa pinakasikat niyang proyekto noon ay ang Encantandia kung saan nakasama niya sina Sunshine Dizon, Iza Calzado, Karyll, at Diana Zubiri.

Nagpursige at nagtapos din siya ng Master Degree in Public Administration sa Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman. A.B Management Economics naman ang kaniyang kurso sa Ateneo De Manila University.

Taong 2010 nang siya ay ikasal sa kaniyang misis na si Yasmine Espiritu sa isang civil ceremony at taong 2017 ay nagpakasal silang muli sa simbahan. Marami ang namangha sa lovestory nilang dalawa dahil talaga namang fan pala ng aktor si Yasmine kahit noong dalaga pa ito.


Nang minsang dumalaw si Alfred sa bahay nina Yasmine ay nakita niyang may larawan pala siya sa kwarto mismo ng dalaga. Para naman sa aktor ay love at first sight talaga ang naranasan niya sa kaniyang misis nang una silang magtagpo.

Sa ngayon ay mayroon na silang tatlong mga anak sina Alexandra Milan, Aryana Cassandra, at si Alfredo Cristiano. Marami din ang nakapansin sa angking kagandahan ni Yasmine na malaki ang pagkakahawig kay Marian Rivera.

Tulad ng Kapuso Primetime Queen ay napanatili din ni Yasmine ang angkin niyang kagandahan at balingkinitang pangangatawan kahit tatlo na ang kaniyang anak. Minsan na niyang ibinahagi sa publiko na noong estudyante pa lamang siya ay ayaw niya talaga ng mga P.E. Class ngunit nang naging ganap na siyang ina at asawa ay talagang sinikap niyang maging malusog at malakas para sa kanila.

Mas mainam na rin daw ang nakakapagwork-out siya kahit ilang beses sa loob ng isang linggo kaysa sa wala.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago