Categories: Showbiz

Hindi lang sila mga sikat na artista, academic achievers pa!

Marami sa atin ang lubos na humahanga sa mga sikat na artista at personalidad. At mas lalo pa ang paghanga natin sa ating mga idolo na nakakapagpundar ng kanilang pangarap na bahay sa sarili nilang pagsisikap, gayundin ang mga nakakatulong sa pamilya, at nakapagtapos ng pag-aaral kahit pa sabay ang trabaho at pag-aaral. Ilan sa mga artistang nakapagtapos ng may latin honors ay ang mga sumusunod:

1. Paula Peralejo

Source:instagram.com/p/BoOSUmPlIfs/

Source:instagram.com/p/BoOSUmPlIfs/

Si Maria Elena Paula Peralejo na dating bahagi ng palabas na “Tabing-Ilog” ay nagtapos ng Magna Cum Laude sa Unibersidad ng Pilipinas sa kursong Bachelor of Arts in Philosophy.

2. Agot Isidro

Source:instagram.com/agotisidro/

Source:instagram.com/agotisidro/

Isang sikat at beteranang aktres na nagtataglay ng isa sa mga magagandang mukha sa industriya ng show business. Nagtapos siya ng Magna Cum Laude sa isang primerang institusyon sa Estados Unidos ang New York Fashion Institute of Technology kung saan Fashion Buying and Merchandising ang kanyang kurso.

3. Anna Theresa Licaros

Source:instagram.com/explore/tags/annalicaros/

Source:instagram.com/explore/tags/annalicaros/

Ang beauty queen at abogada na ito ay nagtapos bilang Summa Cum Laude sa Unibersidad ng Pilipinas at kumuha ng kursong Broadcast Communications and Bachelors of Law. Siya ang kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe Pageant taong 2007. Dalawang taon matapos nito, siya ay ganap nang abogado.

4. Shamcey Supsup-Lee

Source:instagram.com/supsupshamcey/

Source:instagram.com/supsupshamcey/

Siya ay valedictorian noong elementarya at salutatorian naman nang highschool. Nagtapos siya ng kursong Architecture sa Unibersidad ng Pilipinas nang may titulong Magna Cum Laude. Taong 2011 ng siya ay naging 3rd runner up ng prestihiyosong Miss Universe Pageant na nagdala ng karangalan sa Pilipinas.

5. Chin Chin Gutierrez

Source:instagram.com/explore/tags/chinchingutierrez/

Kamangha-mangha rin na ang kinalakihan nating artista na si Chin Chin Gutierrez ay isang Cum Laude sa Miriam College na nagtapos sa kursong Mass Communication

6. Benjamin Alves

Source:twitter.com/benjamania7

Ang Kapuso actor na ito ay di lang pala gwapo! Sobrang talino pa. Siya ay naging Summa Cum Laude lang naman ng isang taon at kalahati sa University of Guam sa kursong Bachelor of Arts in English Literature!

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago