Meet Chavit Singson’s rich and beautiful daughter, Chelsey Singson



Ang dating gobernador ng Ilocos Sur at negosyanteng si Chavit Singson ay kilala bilang isa sa pinakamayamang tao sa Pilipinas. Hindi lamang siya mayaman sa mga materyal na bagay, sa kanyang mga mamahaling gamit, sasakyan, bahay, at mga alahas kundi dahil na rin sa pagkakaroon ng kabigha-bighaning anak na babae na nagngangalang Chelsey Singson.



Ayon sa pagkakakilanlan kay Chelsey Singson, siya ang nagmamay-ari sa GoSport Philippines, miyembro rin siya ng Colourette Clique at Ambassadress ng The Skin Bureau.

Mayroon siyang 34.1 libong followers sa kanyang social media account. Marami ang nabibighani at humahanga sa angking kagandahan niya. Maging ang kanyang social media posts ay hindi pinalalampas ng kanyang mga taga-hanga. Mapapansin din naman sa kanyang mga larawan na mahilig siya mamasyal at mamahinga sa ibat-ibang magagandang lugar kasama ng kanyang pamilya at mga malalapit na kaibigan.



Kamakailan lamang ay nagpost rin siya ng larawan nila ng kanyang ama na kung saan ito ay nilagyan niya ng mga katagang, “Dad, you are a true star. Thank you for your unconditional love.” Bagamat kakaunti lamang ang mga impormasyon tungkol sa kanya sa social media, nakalahad doon na siya ay may anak na lalaki na nagngangalang Mateo sa lalaking nagngangalan na Rafael Sison. Kapansin-pansin din naman ang pag-aalaga at pagbibigay halaga niya sa kanyang sarili lalo na sa kanyang balat. Hindi rin niya nakakalimutang mag-ehersisyo at mapapawis.

Tunay ngang isa siyang magandang ehemplo sa lahat ng kababaihan na hindi dapat kalimutang pahalagahan ang sarili. Bagama’t aakalain mong nasa kanya na ang lahat ng pinapangarap ng isang babae sa kanyang buhay, hindi pa rin dapat mawala sa ating pang-araw-araw na gawi ang pahalagahan at mahalin ang ating pamilya. Ganun din naman ang pagbibigay importansya sa sarili mismo.


Tunay nga na ang totoong yaman sa buhay ng isang tao ay hindi makikita o matatagpuan sa pera o mamahaling mga bagay, gamit, sasakyan, at bahay. Ang tunay na pagmamahal ay matatagpuan sa iyong pamilya mismo!






error: Content is protected !!