Ating Kilalanin Si Minika, Ang Mala-manikang Anak Ni Ina Raymundo



Isa sa mga artistang parang hindi tumatanda ay si Ina Raymundo. Sa kabila ng kanyang edad ay hindi mo maiisip na siya ay nasa 40 mahigit na. Dahil sa kanyang magandang katawan at magandang mukha ay maaaring mapagkamalang edad 30 pa lamang siya.

Hinangaan din natin siya sa kanyang mga paraan upang mapanatili ang kagandahan at katawan. Kahit na siya ay isang magulang na ay marami paring nahuhumaling sa kanyang kasexyhan. Tunay na maituturing siyang hot mama.

Isang Ukrainian-Canadian ang napangasawa ni Ina Raymundo. At sila ay masayang nagsasama ng mahigit 15 na taon. Siya si Brian Poturnak na isang businessman. Tunay na pinag-pala si Ina Raymundo sa isang suportado at maunawaing asawa. Bukod pa ay pinagkalooban sila ng limang anak. Makikita natin ang mga larawan ng anak ni Ina Raymundo sa kanyang social media account at talaga namang pinagmamalaki niya ang mga ito kahit na wala sila sa mundo ng showbiz.



Pero isa sa mga naging agaw pansin sa mga anak niya ay ang kanyang bunsong anak na babae na mala-manika ang mukha. Siya si Minka na maaaring sumunod sa yapak ng kanyang ina. Sa mga litratong makikita sa kanyang social media ay mapapansin na parang buhay na manika ito lalong lalo na kung siya ay naka-ngiti. Ang kanyang ina mismo ang nagsabi na ang anak niya ay isang “little doll”. Katulad ng kuya niya na si Jakob, Si Minka ay mahilig din sa sports. Sa katunayan ay marunong siyang mag-baseball.

Tunay na ipagmamalaki talaga siya ng isang magulang ang kanyang anak. Ganyan magmahal ang isang ina. Si Ina Raymundo ang isang kongkretong halimbawa. Isang biyaya kasing maituturing ang pagkakaroon ng anak. Talaga namang maganda ang kanyang anak, siyempre maganda rin ang magulang. Malay natin, balang araw ay makita na nating artista si Minka upang tularan ang mga narating ng kanyang ina.


Source:Ptama




error: Content is protected !!