Categories: Showbiz

Bagong Buhay, Bagong Bahay! Ang Bahay Ni Sunshine Cruz

Isa sa mga hinangaan nating aktress noon ay si Sunshine Cruz. Bukod sa maganda ay isa na ring beteranang aktress at singer din. Ang kagandahan ni Sunshine Cruz ay walang kupas. Kahit lampas 40 na ang edad niya ay marami pa ring mahuhumaling na kalalakihan sa kanya.


Ipinanganak si Sunshine Cruz noong July 28, 1977 at naging asawa ni Cesar Montano. Sila ay kinasal noong taong 2000 na naging dahilan upang tumigil sa showbiz para matutukan ang pamilya at mga anak. Pero nagkaroon ng problema ang kanilang relasyon mag-asawa na naging dahilan upang maghiwalay silang dalawa.

Hindi naging madali para kay Sunshine Cruz ang kanyang pinagdaanan. Sa paghihiwalay ni Sunshine Cruz sa kanyang asawa, kinailangan niyang gumawa ng paraan upang maitaguyod ang kanyang mga anak. Hindi biro ang maging Single Parent. Bukod sa financial na pangangailangan ay kailangan din niyang tugunan ang pagpapalaki ng mga bata sa magandang paraan.

Naging daan ang pagbabalik showbiz ni Sunshine upang makabangon muli. Ang naging hiwalayan ng dating mag-asawa ay naging dahilan upang mag rent lang ng bahay sa Quezon City si Sunshine. Dahil ngayon na nakakaipon na siya, sa tulong ng kanyang ina ay nakapag-patayo na siya ng kanilang sariling bahay. Pinagawa ito noong October 20, 2013 at nalipatan na rin pagkatapos ng isang taon.

Ibinahagi ni Sunshine Cruz ang kanyang bahay sa media. Hindi man daw sobrang ganda, lubos naman na maipag-mamalaki niya ito. Sa tulong ng kanyang ina ay nabili niya ang property na ito na may sukat na 200 square meters na corner lot. Sa kasalukuyan ay binabayaran pa rin niya ang bahay na inutang niya sa kanyang ina sa pamamagitan ng pag-issue ng cheke kada buwan.

Ngayon ay tinututukan ni Sunshine Cruz ang pagpapaganda ng loob ng bahay sa mga pwede pang pagandahin at idagdag.

Nakaka-bilib ang mga Single Parent na katulad ni Sunshine Cruz. Ipinakita niya sa mundo na kaya niyang maging ulirang ina para sa kanyang mga anak. Sa kabila ng pinagdaanang pagsubok ay buong tapang niyang hinarap dahil naging sandigan niya ay ang mga anak.

Source:TheRecoveryPlanet

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago