Isang estudyante na nagtitinda ng mani sa kanilang paaralan, usap-usapan ngayon sa social media!



Mahirap maging isang mahirap lalo na kung mataas ang iyong pangarap. Tunay ngang maraming mga mag-aaral ngayon ang mapapansin mong nagwawaldas na lamang ng pera basta basta. Mga mag-aaral na hindi binibigyang halaga ang kanilang edukasyon samantalang napakrami din naman ng mga mag-aaral na nagsusumikap at nagtitiyagang makapag-aral hindi lamang sa kanilang mga pangarap kung hindi para na rin sa kanilang mga pamilya.



Bagamat tunay ngang mahirap maging mahirap ngunit marami pa ring kabataan ang naniniwala na basta’t may sipag at tiyaga walang pangarap na sadyang mataas at hindi kailanman magiging hadlang ang kahirapan para sa taong nagpupursige. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang larawang pinost ni Ric Dularte kung saan ang isang estudyante ay nag-aalok at nagbebenta ng mani upang makadagdag sa kanyang panggastos sa kanyang pag-aaral.


Ang lalaki sa larawan ay taga-Pangasinan at siya nasa taon niya bilang isang “Criminology student” sa University of Cordilleras in Baguio City, makikitang ginagamit niya ang kanyang mga libreng oras upang kumita ng salapi na magiging malaking tulong sa kanyang pag-aaral at matrikula. Ang post na ito ni Ric Dularte ay umani ng maraming positibong opinyon at papuri sa mga netizens. Hindi ikinakahiya ng estudyante ang pagdadala niya ng isang baldeng mani at pagtitnda niya nito.


Makikita rin sa kanyang mukha ang kaligayahan niya sa kanyang marangal na trabaho. Umaga siya natitinda ng mga ito sa kanilang paaralan at pagdating naman ng tanghali ay agad agad na siyang pumapasok sa kanyang klase. Ayon din kay Ric ang mga katulad niyang mag-aaral ang nararapat pagkalooban ng iskolarsyip o libreng edukasyon upang sila ay makatapos ng pag-aaral at makamit ang kanilang pangarap sa buhay. Para naman sa mga netizens, sana ay maging matagumpay siya sa buhay dahil sa hindi matatawarang pagsusumikap at pagtitiyaga niya sa kanyang pag-aaral tiyak naman na mayroong magandang kinabukasan ang naghihintay para sa kanya.




error: Content is protected !!