Miss Universe 2018 na si Catriona Gray at ang pasasalamat niya sa kanyang designer



Marami ang nabighani at nagandahan sa mga suot na evening gown ni Catriona Gray na ginamit niya sa preliminary at coronation night. Sa tingin ng marami ay siya ang nangibabaw sa ganda ng kasuotan niya. Dahil sa kagandahan niya at sa galing niya sa pag-rampa at idagdag pa ang magandang evening gown, talaga namang ilan ito sa naging dahilan ng pagka-panalo Catriona. Pero sino nga ba ang taong nasa likod ng paggawa ng kanyang evening gown?



Isang kapampangan na designer ang gumawa ng kanyang mga evening gown. Siya si Mak Tumang. Dahil sa pagiging malikhain at husay sa paggawa, pinatunayan ng kapampangan designer na tunay na magaling ang mga Pilipino. Ang kanyang gawa na sinuot ni Catriona noong preliminary ay bumuhay sa kilala nating kwento na “Ibong Adarna” isang ibon na nakakapag-pagaling ng kahit anong karamdaman sa pamamagitan ng kanyang pagkanta. At ang sinuot naman na red evening gown noong coronation night na ang inspirasyon nito ay ang Mayon Volcano, kung saan dito ang lugar ng kanyang ina sa Albay. Ang red evening gown ay talaga namang nag stand-out sa kanyang lava-walk.


Tunay na pinagpapasalamat ni Catriona Gray ang kanyang pagka-panalo sa kanyang kapampangan designer. Sa katunayan isang video ang napag-uusapan ngayon kung saan ay niyakap ni Catriona si Mak pagkatapos ng awarding. Mapapansin kasi na talagang magaganda ang mga naging obra ni Mak Tumang at bumagay lahat kay Catriona ang mga ginawa niya. Naging emosyonal ang pangyayaring iyon para sa dalawa. Umani ng mga magagandang komento ang naturang video.


Ilan sa mga komento ay ito:
“Grabe. Nakakaiyak. Thank you sir Mak. Your creation really stands out to the rest of the gowns on that stage. So intricately divine.”, “You can really tell how much she truly appreciates everyone around her by the way she hugs those people. Catriona Gray and Mak Tumang, I’m so proud of you from the bottom of my heart!”, “Pure heart, passion, dedication and talent beyond compare were poured into each and every gown that Mak Tumang created for Catriona Gray.”, “Naiyak ako! You are a big, big part of this success! Congratulations for showcasing our country and culture in those slaying symbolic dresses!”, “Ung maiiyak ka nalang dahil sa sobrang proud mo sa mga pinoy lalo na sayo Catriona Gray and Mak Tumang… Maraming salamat sa pagbabalik ng korona. Mahal na mahal namin kayo…

 

View this post on Instagram

 

Priceless Moment with @catriona_gray The New Miss Universe! Lovvvveeee Yooouuuuu! ???❤️

A post shared by Mak Tumang (@maktumang) on

Marami pang pumuri at nagbigay pugay sa talentong pinamalas ni Mak Tumang at hindi niya magagawa at maipapamalas ito kung wala si Catriona Gray na ang bagong Miss Universe 2018.






error: Content is protected !!