Isang netizen ang nagviral matapos siyang makasakay sa isang eroplano nang mag-isa!



Tayo bilang mga tao ay naghahangad din naman makaranas ng mga bagong bagay paminsan-minsan. Mayroon din tayong tinatawag na mga “bucket list”, ito ay listahan ng mga bagay na nais nating gawing sa buhay natin. Ito ang ilan sa mga uso ngayon kung saan maraming mga netizen ang nagbabahagi ng mga karanasan nila at bawat pagtatagumpay nila sa pagkamit ng kanilang bucketlist.


Noong December 24 lamang ay nasorpresa ang isang babae na nagngangalang Louisa Erispe nang siya lamang ang maging sakay ng Philippine Airlines Flight PR 2820 mula Manila papuntang Davao. Nagbahagi siya ng larawan niya habang nakaupo sa nasabing eroplano at walang ibang mga pasahero sa kanyang likuran!




Bagamat siya ay nasorpresa sa nangyari, nagkaroon din siya ng takot dahil sa hindi natural na pangyayaring ito. Nanalangin na lamang siya ng taimtim sa Panginoon na sana ay makauwi siya ng ligtas sa kanyang pamilya lalo na at nalalapit na ang Kapaskuhan. Si Louisa ay solong pasahero lamang ngunit kasama rin naman niya sa eroplano ang kapitan at iba pang mga crew. Nag-post din naman mga larawan Si Louisa kasama ang mga crew at kapitan ng Philippine Airlines.


Siya ay nagtatrabaho bilangnews correspondent ng PTV at ang kanyang kompanya ang nag-book ng kanyang biyahe. Naabisuhan man agad ng PAL ang iba pang mga pasahero sa pagbabago ng schedule, hindi naman nila nakontak si Louisa. Kung kaya naman ng dumating si Louisa ay isinakay at inilipad pa rin nila ito kahit siya lamang ang nag-iisang pasahero. Ang nasabing pangyayaring ito ay nakapukaw sa atensyon ng maraming netizens at marami rin ang nagbigay ng papuri at pasasalamat sa PAL dahil sa kanilang ginawa sa kanilang pasahero.





error: Content is protected !!