Naiwang Cellphone sa Jeep, napulot ng isang babae, nang buksan ito, isa palang dalubhasang hokage ang may-ari!



Sa pangaraw-araw na buhay, marami tayong nakakasalamuha. Iba-ibang pangyayari ang nagaganap. May mga pagkakataon din na nakaka-iwan tayo ng mga gamit sa ibang lugar. Dahil na din siguro ito sa pagmamadali o kaya naman sa sobrang dami ng iniisip. Pero mayroon ding pagkakataon na tayo naman ang nakaka-pulot ng gamit. Kapag nangyari nga lang ito. Dito ka na magiisip kung dapat mo ba itong isauli o kaya naman angkinin mo na ito.


Sa ganitong pangyayari ay karapat-dapat lamang na ibalik ang napulot. Dahil hindi sayo ito! Kaya naman nakaka-bilib ang ilang tao na hindi nasisilaw sa mga bagay na napupulot nila at ibinibigay sa may-ari nito. Katulad na lamang ng isang netizen na ito na nakapulot ng cellphone sa jeep. Sa kagustuhang ibalik sa may-ari ang naiwang cellphone, binuksan niya ito. Kaso, lubos na ikinabigla ang nakita niya sa contacts nito.




Ang pangyayari na ito ay ibinahagi ni Christine Guevas sa Facebook. Sabi niya, nakita niya ang isang Nokia Cellohone sa jeep na sinakyan niya. Sa kagustuhan niyang ibalik sa may-ari, iniwan niyang bukas ang cellphone at nagbabaka-sakali na tumawag ang may-ari. Pero walang tumatawag sa cellphone. Naisip din niya baka wala na ring paki-alam ang may-ari nito kasi hindi naman ito mamahalin. Ang naturang nokia cellphone ay isang keypad type lamang at hindi android phone.


Ayon sa kay Christine:
“Nakapulot ako ng cellphone kanina sa jeep. Hinayaan ko siyang naka open para kapag may naghanap madali kong masagot para ibalik sa kanya. Hanggang end of shift ko na wala pa ring tumatawag mukha wala na ata syang pake sa phone na to at di naman android. Naisip ko nalang tawagan yung mga kamag-anak kaso nung lunch ko wala kong makitang contacts no dialled or any recent calls made. Kahit messages walang laman.”



Kaya naman naisipan na ni Christine silipin ang loob ng cellphone para malaman kung may mga kamag-anak na pwedeng tawagan. Pero wala siyang nakita sa loob ng cellphone. Walang laman ang contacts, call register, at messages. Pero sa sobrang nais na maisoli sa may-ari ang cellphone, sinubukan niya pang kalkalin ang loob. Naka-set pala ng phone storage ang contacts, kaya noong nikita niya ang contacts sa sim card, sobrang nagulat siya. Ang contacts sa sim ay naglalaman ng mga pangalan na babe1, babe2, babe3, at hulaan niyo hanggang ilan? Hanggang babe12! Tindi diba? Kaya naisip ni Christine na isang batikang hokage ang may-ari nito.