Laking gulat ng mga bata na ito ng sorpresahin sila ng kanilang mga magulang na OFW at magpanggap bilang mga waiter



Bilang isang OFW, talaga namang napakabigat sa kalooban ang mapalayo sa iyong pamilya at lalo na sa iyong mga anak. Ang mga panahon na magkakasama ay mga ala-alang babaunin sa pag-alis ng minamahal na mga magulang habang ang oras at panahon na hindi sila magkakasama ay isang napakalaking pagsubok para sa maraming Overseas Filipino Workers. Kung kaya naman ang makasaksi ng muling pagsasama ng magulang at mga anak ay talaga namang nakatataba ng puso. Ito ay patunay na sa kabila man ng distansya, ang pagmamahal nila sa isa’t-isa ay mananatili sa kabila man ng labis na kalungkutan at pangungulila.



Ilan lamang sa mga makabagbag-damdaming kwento na ito ay nasaksihan natin sa balita at sa social media. Ang mga magulang na OFW ay nagpanggap bilang mga service crew o waiter upang masorpresa ang kanilang mga anak.


Sa unang video, mapapansin ang isang ina na nakasuot ng “face mask” at nagpanggap bilang isang waitress sa kaniyang dalawang anak. Ang ina nila ang naghatid ng pagkain sa kanilang lamesa, at dahil hindi pa rin nila napapansin ang kanilang ina ay tumayo pa ito sa kanilang tabi at naglagay pa ng dalawang plato. Matapos nito ay ipinakita na niya ang kaniyang mukha at laking gulat na lamang ng kaniyang mga anak ng makita ang kanilang ina na OFW ay nasa kanila nang harapan. Nagkaingay naman ang mga tao dahil sa muling pagsasama-sama ng mag-iina.


Ang ikalawang video naman ay patungkol sa isang ama na gustong sorpresahin ang kaniyang mga anak sa kaniyang pag-uwi. Ito ay napabalita rin naman sa GMA news kung saaan ang ama ay nakatakip ng bandana ang mukha at naghahatid ng mga inorder na pagkain ng kaniyang anak na lalaki at babae. Sa kaniyang pagbabalik ay nakahubad na ang kaniyang bandana at laking gulat ng kaniyang mga anak sa kanilang nakita.



Hindi nila akalain na makikita nila sa kanilang harapan ang kanilang ama na dapat sana ay nasa Qatar. Hindi na rin nila mapigilan pa ang pag-agos ng kanilang mga luha.




error: Content is protected !!