Ito ang magandang bahay ni Ryzza Mae Dizon! Tignan ang naging bunga ng kanyang pagiging artista



Si Aling Maliit ay talaga namang nakilala na ng maraming tao na sumusubaybay ng Eat Bulaga. Dahil sa pagka-panalo niya sa Little Miss Philippines noong 2012, ito ang naging panimula ng kanyang kasikatan.


Dahil sa pagka-bibo at nakaka-aliw na itsura, nagustuhan at sinubaybayan siya ng tao. Nagkaroon na rin siya ng sarili niyang TV Show at dito niya pinatunayan na isa siya sa mga matagumpay na batang artista. Hindi biro ang maging artista sa murang edad lamang. May mga isinakripisyo si Ryzza katulad ng pagaaral sa eskwelahan at paglalaro sa mga ka-edad niya. Pero mas pinili ni Ryzza na tumulong sa magulang upang maging maginhawa ang kanilang buhay.




Ang kanyang katanyagan ay tunay na ginantimpalaan, ngayon ay mayroon na silang tatlong palapag na bahay na matatagpuan sa Quezon City. Sa bahay ni Aling Maliit, ang pagkakagawa ay halo ng pagiging moderno at tradisyonal na itsura. Kung sisilipin ang loob ng bahay, ang mga kulay na makikita ay maraming puti, itim, at may konting mga orange na mga gamit.


Isa ring magandang lugar kainan ang kanilang Dining Area. Ang kanilang Dining Table ay isang bilog na transparrent glass ang patungan. Tila bang parang mamahalin lahat ng kagamitan sa Dining Area.


At siyempre, dapat maganda ang kwarto ni Ryzza Mae Dizzon. Kahit na ang buong bahay ay parang naka-disenyo sa mga matatanda, ang kwarto naman ni Ryzza ay talagang nababagay sa kanyang pagiging bata. Makulay ang kwarto ni Ryzza, ang paghalo ng kulay green, pink, yellow, ay siguradong bumagay sa kagandahan ng silid niya. Maganda rin ang Master’s Bedroom, ito ay naka-disenyo kahalintulad sa buong bahay. Mayroon ding mga imprenta ng larawan ni Ryzza sa lugar na nagpapakita ng pagmamahal ng mga magulang sa kanilang anak.




Kung ating susuriin, ang kakaiba lang sa bahay ni Ryzza ay ang kanyang silid. Tunay na maganda at karapat-dapat lamang para kay Ryzza ang mga nakamit niya. Ito ay biyayang pinagkaloob dahil sa angking talentong pinamalas niya.





error: Content is protected !!