Isang magandang Tulay na gawa sa Ugat ng puno, umabot ng halos 30 na taon, ngayon ay tunay na naka-mamangha



Sa kagustuhan ng isang guro na makapasok ang kanyang mga estudyante sa kanyang klase, naisipan nilang gumawa ng tulay. Ang tulay ay naisipan ng isang guro na nagngangalang Pakih Sohan noong taong 1890. Matatagpuan ang tulay na ito sa Indonesian Batang River.



Para masimulan ito, binuo muna ang tulay sa pamamagitan ng kawayan na ikinabit sa dalawang puno ng banyan na pinag-gigitnaan ng isang umaagos na ilog. Ang mga kawayan na ito ay unti-unting ginagapangan ng mga ugat ng puno dito ay nagkakaroon na ng hugis ang tulay. Ngayon, ang tulay na ito ay gawa na sa mga gumagapang na ugat ng punong banyan.

Ang nasabing tulay ay may sukat na 100 foot. Mayroon din itong mga suporta na mga kahoy at mga metal na kable para maging matibay. Patuloy pa rin ang pagtubo ng mga ugat ng mga punong banyan kaya naman may mga alituntunin o mga limitasyon ng paggamit sa mga gustong dumayo sa tulay na ito.




Mapapansin din sa ilalim ng tulay na ito ay may mga isdang tinatawag na Larangan. Ang isda na ito ay sinasabi nilang sagrado at bawal hulihin. Mayroon naring naging kasabihan ang lugar na kung maliligo ka sa ilog ng Bayang River na malapit sa nasabing tulay, magkakatotoo daw ang iyong mga pinapangarapo kahilingan. Katulad na lamang ng paghahanap ng pag-ibig o kaya naman ay ginhawa sa buhay.



Dahil sa kabutihang loob ng isang guro, nagkaroon ng paraan upang makadaan at makonekta ang dalawang nayon. Nagagamit na ito ng higit pa sa 100 taon. At ngayon ay isa ito sa mga pinupuntahang lugar sa kanilang bansa. Kung nabubuhay lang sana ang naging dahilan ng pagbuo nito, malamang ay sobrang ikinatuwa niya ang nangyari. Sa kagandahan ng tulay na ito, libo-libo na ring mga turista ang nagpupunta upang mamangha at madaanan ang tulay. Ang mga ganitong mga kagandahan ng kalikasan ay dapat pangalagaan at ipagmalaki.




error: Content is protected !!