Matapos itong pagtulong-tulungan ng mga tao, ang dating maruming sapa ay naging lawa na puno ng magagandang Koi fish!



Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang dinarayo ng maraming mga banyaga hindi lamang sa mga kaugalian at mga tradisyon nating mga Pilipino kundi marahil sa maraming mga magagandang tanawin at lugar dito sa ating bansa. Ngunit sa paglipas ng panahon ay tila napapabayaan ang mga magagandang tanawin na ito na talaga namang ikinakabahala ng marami.


Maraming netizen ang natuwa dahil sa ang isang sapa sa Iligan na dating marumi at hindi na kaaya-aya sa paningin ay naisalba pa at napagtulungang linisin ng mga tao sa komunidad. Talaga nga namang walang makakatalo sa bayanihan ng mga Pilipino. Ang komunidad na ito ay matatagpuan sa Purok de Oro, Zone 3 sa Poblacion, Iligan City. Nakakuha ang mga lokal dito ng inspirasyon sa mga “drainage canal” sa Japan na talaga namang namumutiktik sa mga magaganda at makukulay na Koi fish.




Aakalain mo bang ang dating maruming kanal ay nakakamangha na sa ganda at tila isang malinis at napakagandang “aquarium”. Dinisenyuhan din nila ito ng mga makukulay na mga bagay upang mas magmukhang kanais-nais na talaga namang pumukaw ito sa atensyon ng maraming mga tao. Ito ay nagsisilbing inspirasyon sa maraming pang mga Pilipino na kung anuman ang ninanais ng ating mga puso ay tiyak na ating makakamit kung tayo ay magsasama-sama at magkakaisa. Dahil sa pagtutulungan ng marami ay naisakatuparan nila ang kanilang nais na maisaayos pa ang lugar na inaakala ng marami na wala na talagang pag-asa pang mapaganda.




Marami ding mga netizen ang nakapansin sa kamangha-manghang likha ng mga tao na ito. Tiyak na mas marami pang mga lugar ang maisasaayos dahil dito. Tunay ngang hindi ito ang katapusan ngunit ang simula ng mas marami pang mga pagtutulungan para sa mas ikasasaayos ng ating komunidad at ng ating bayan.


Source: DF




error: Content is protected !!