OFW sa Hong Kong nakaipon ng P140,000 sa loob lamang ng 6 na buwan dahil sa “Ipon Challenge”



Kamakailan lamang ay kumalat sa social media ang kwento ng Ilongga na ito na isang “Overseas Filipino Worker” o OFW sa Hong Kong matapos niyang kumasa sa “Ipon Challenge” at matapos lamang ang anim na buwan ay nakaipon na siya ng P140,000!


Ang 39 taong gulang na si Jalyn Navio, nagtapos ng kursong Nursing ay nakapakinig sa isang Financial Literacy Seminar ng CARD Hong Kong Foundation. Naging inpirasyon ito sa kaniya upang magsimulang mag-ipon. Taong 2002 nang siya ay nakipagsapalaran sa ibayong dagat na inilihim niya sa kaniyang mga magulang. Kasal din siya noon sa isang “seaman” ngunit hindi rin naman nagtagal ang kanilang pagsasama.




Ang nagbahagi ng kwento na ito ni Jalyn ay isang netizen na nagngangalang Jennifer Palomo Debaja. Isang malaking plastik na bote ang pinaglagyan ni Jalyn ng kaniyang ipon na naging $21,760 pagkalipas ng anim na buwan nang pag-iipon. Siya ay sumasahod ng HK$ 8,200 o nasa P54,000 sa loob ng isang buwan. P10,000 dito ay inilaan niya at ipinapadala para sa pag-aaral ng ilan sa mga mahal niya sa buhay. Bagamat nasanay siyang mamili ng mga bagay na hindi naman masyadong importante at kadalasang niyaya ang kaniyang mga kaibigan na kumain sa labas, naisip din niya na mas nararapat siyang makaipon para sa kaniyang pagreretiro. Ayon pa sa kaniya, hindi lamang $20 ang kaniyang iipunin kung hindi $50 na din.


Marami din namang mga netizen ang namangha at nakakuha ng inspirasyon sa kwentong ito. Marami din ang namangha sa determinasyon at katiyagaan ni Jalyn dahil hindi rin naman biro ang maging isang OFW at sa kabila nito ay nakaipon pa siya kasabay na rin ng pagtulong niya sa kaniyang mga mahal sa buhay.




Bagamat mahirap nga talagang makaipon lalo na kung sapat lamang ang salapi na iiyong kinikita, hindi pa rin ito hadlang upang tayo ay magsimula na mas maging responsable lalo na sa paghawak ng pera dahil hindi rin naman tayo sigurado sa mga magiging kaganapan pa sa mga susunod pang taon at araw.


Original Post

Source: Facebook/Jennifer Palomo Debaja




error: Content is protected !!