Alamin ang naging buhay ng aktres na si Jennifer Sevilla matapos talikuran ang industriya ng show business!



Si Jennifer Sevilla ay 44-taong gulang na artistang nakilala noon sa mga palabas sa telebisyon at pelikula na nagtatampok ng kaniyang husay bilang isang artista. Ilan sa mga naging kasabayan niya noon ay sina Kempee de Leon, Ian Veneracion, at Vina Morales. Nakilala rin siya noon bilang parte ng programang “That’s Entertainment”. Ilan sa mga naging kilalang pelikula niya ay ang “Kaytagal Kang Hinintay” taong 1998, at “Bakekang” noong 2006. Ngunit nasaan na nga ba siya ngayon? Ano ang kaniyang naging dahilan upang iwanan ang industriyang minsan niyang minahal?




Si Jennifer Sevilla ay nagpakasal sa kaniyang asawa na si Seymour Go taong 2007, matapos lamang ang isang taon ay biniyayaan na sila ng isang anak at pinangalanan nila itong Simon Rafa. Dahil sa nais niyang magampanan ang kaniyang pagiging asawa at ina ay napagdesisyunan niyang iwanan muna ang industriya ng show business.


Kasabay ng pagiging isang hands-on mom at misis ay nakapaglaan din siya ng oras at panahon sa kanilang negosyo. Katulad rin ng maraming mga artista pagkatapos iwanan ang industriyang kanilang kinabibilangan ay nagtayo rin ng negosyo at namuhunan dito. Si Jennifer ngayon ay ang nagmamay-ari ng Lynelle House of Hair Fashion na kilala pagdating sa matataas na kalidad na wig. Ilan sa mga sikat na artistang kaniyang inaayusan ng buhok ay sina Kim Chiu, Janine Gutierrez at Kylie Padilla.



Ang kaniyang negosyo ang nagdala sa kaniya ng maraming kita, at talaga namang bukod sa pagiging ina at asawa, siya na ngayon ay isang matagumpay na negosyante rin. Talaga nga namang siya ay kuntento na at mas masaya na sa buhay na kaniyang tinatamasa. Sino ba namang mag-aakala na ang pagnanais niyang mabigyan ng mas maraming oras at atensyon ang kaniyang pamilya ay magiging daan din upang siya ay maging isang matagumpay na negosyante?




error: Content is protected !!