Guro sa Laguna niregaluhan ang lahat ng kaniyang 27 estudyante ng sarili niyang mga guhit na larawan!



Walang duda na ang pagtuturo ay isa sa pinakadakila at pinakamatandang propesyon sa ating bansa at maging sa ibang mga bansa pa sa buong mundo. Hindi lamang tamang landas ng mga mag-aaral ang itinuturo ng mga mahal nating guro kundi ang kanilang mga potensiyal na makatutulong na higit sa pagpapaunlad ng mga susunod pang henerasyon.


Kung hilig mo ang pagtuturo, kaalaman at pagbabahagi ng karunungan sa maraming mga kabataam ngayon, na tiyak na makapagpapabago ng buhay at magdudulot ng magandang bagay sa buhay ng mga kabataan, pagtuturo ang tiyak na propesyon para sa iyo. Isang guro mula sa Holy Redeemer School of Cabuyao sa Banlic, Cabuyao ang naging viral dahil sa personal at nakamamanghang regalo nito sa kaniyang mga estudyante bilang pamasko. 16 nang guro si Roselyn Barcoma, na gumihit sa 27 na larawan ng kaniyang mga Grade 9 na mag-aaral ang naging usap-usapan sa social media dahil sa napakagandang regalo nito sa kanila. Ang seksyon ng kaniyang mga mag-aaral ay “Descartes” na kaniyang advisory class. Ayon sa guro ito ang paraan niya upang mahikayat ang kaniyang mga mahal na estudyanteng mag-aral ng mabuti at madiskubre ang kanilang potensyal.




Unang araw ng Disyembre ng simulan niyang iguhit ang mga nasabing larawan. Inabot siya ng halos isang buwan upang matapos ang lahat ng ito. Ang naging resulta ng kaniyang mga ginuhit ay talaga namang kamangha-mangha. Lahat ng kaniyang mga mag-aaral ay talaga namang naantig sa ginawa ng kanilang mahal na guro para sa kanila. Ayon din sa mapagmahal na guro na sa kabila ng pagiging mahirap ng kanilang trabaho ay may kakaiba pa ring saya at galak ang naidudulot lalo na kung nakatutulong ito ng malaki para sa ikabubuti ng kinabukasan ng kanilang mga mag-aaral.




error: Content is protected !!