Bansang Canada, ibinalita na sila ay tumatanggap ng mahigit sa 1 Milyong Immigrante hanggang sa susunod na 3 taon



Isang magandang balita para sa mga nagnanais manirahan at magtrabaho sa Canada. Dahil nangangailangan sila ngayon ng mahigit pa sa isang milyong imigrante hanggang sa susunod na tatlong taon. Ito ay naglalayon makapag-bigay ng oportunidad para sa ibang taong manirahan sa Canada at makapag-bigay ng trabaho. Sa pagtagal ay pwede ding makuha ang pamilya upang manirahan at mamuhay din sa Canada.


Ang bansang ito ay ikinagagalak ang naitutulong ng ibang lahi sa kanilang bansa. Ito ang naging dahilan upang maging maganda ang pagtanggap nila sa mga dayuhan. Ang Canada din ay isa mga magagandang bansa na pwedeng mapuntahan. Marami ding mga magagandang trabaho na pwedeng makuha at para sa isang Pinoy, ito ay isang magandang pagkakataon upang umasenso sa buhay.




Ito ang naka-sulat sa isang 2018 Annual Report sa Parliament ng Immigration. The Immigration, Refugees and Citizenships Canada (IRCC):
“Immigration has been an important part of building Canada into what it is today: a country that celebrates multiculturalism and diversity, has a global reputation for welcoming people from around the world, and stands up for the most vulnerable. Waves of immigrants and their descendants have contributed their talents and hard work to Canada’s success,” wrote the Immigration, Refugees and Citizenships Canada (IRCC) in its 2018 Annual Report to Parliament on Immigration.

Ayon pa sa IRCC, sa paraang ito ay tatanggap sila ng higit pa sa isang milyong trabahador sa loob ng tatlong taon.


Ito pa ang nakasaad sa IRCC:
“Under this plan, Canada will welcome more talented workers with the skills and expertise our economy needs, reunite more family members and accommodate more refugees looking to start new lives,”


Kaya naman kung may mga kakayahan kang sa tingin mo ay angkop para sa bansang ito, huwag ka ng magdalawang isip at makipag-sapalaran. Ayon pa sa 2019-2021 na plano ng immigration ng Canada. Sa taong 2019 ay tatangap sila ng 350,000 na imigrante. Sa susunod na taong 2020 naman ay mga 360,000 naman ang tatangapin. At sa huling taon na 2021 ay tatanggap sila ng 370,000 na imigrante.


Sa kabutihan ay pwede mong madala ang iyong pamilya sa bansang ito. Pero magiging mas marami pa rin sa bilang ang mga matatanggap na trabahador ng bansang Canada. Kaya kung pangarap mong makapag-trabaho sa ibang bansa, baka ang bansang Canada na ang sagot sa inyong mga pangarap.




error: Content is protected !!