Isang babaeng ikakasal sa Pilipinas naging viral dahil sa karwaheng hinahatak ng kalabaw ang kaniyang sasakyan at hindi magarang kotse!



Ang kasal ay isa sa pinakamasaya at pinaka-ipinagdiriwang nating okasyon kung saan ang bawat pamilya ng ikakasal maging ang kanilang mga malalapit na kaibigan ay nagsasama-sama upang masaksihan ang pag-iisang dibdib ng dalawang taong nagmamahalan.


Ito ay pinaplano ng ilang buwan at ang iba pa nga ay inaabot ng taon para lamang maging perpekto ang bawat detalye nito sa babaeng ikakasal na kadalasang nagiging punong abala sa paghahanda o pagpaplano.




Mula sa trahe de boda, make-up, entourage, mga pagkain, reception at dekorasyon, ang babaeng ikakasal ang may huling desisyon. Subalit, kakaunti lamang sa mga babaeng ikanakasal ang nagbibigay ng atensyon sa kanilang “bridal car” dahil marahil isa ito sa pinakamaliit na detalyeng na maaari niyang pagtuunan ng pansin. Ngunit aminin man natin o hindi, ang pagkakaroon ng kakaiba at kamangha-mangha na “bridal car” ay hindi lamang magiging dahilan upang maging agaw atensyon ang kasal na ito bagkus ay mas magiging “memorable” pa ang araw na ito.


Marahil ay nakakita na kayo ng magagara at magagandang kotse nang mga ikinakasal noon lalo na sa mga telebisyon. Ang iba ay mamahaling sports car o kaya naman ay mga vintage na sasakyan. Habang ang iba ay mala-fairytale talaga na karwaheng hatak hatak ng kabayo. Talaga nga namang walang itulak kabigin hindi ba?


Ngunit isang viral na video ang naging usap-usapan sa social media dahil sa ang sinasakyan ng babaeng ikakasal ay isang karwaheng hatak hatak ng isang kalabaw! Hindi na bago sa ating mga Pilipino ang makakita ng mga kalabaw dahil sa ito ang ginagamit ng maraming mga magsasaka sa kanilang bukirin o kaya naman ay sa paghahatid ng kanilang mga naani patungo sa pamilihan. Ang mga kalabaw nga na ito ang tinaguriang “Farmer’s Best Friend”, dahil na rin sa pagtatrabaho nito sa ilalim ng tirik na araw.


Oha tara'y ??? Only in The Philippines ???

Posted by Tee Radio on Wednesday, November 16, 2016

Sa viral na video, isang kalabaw ang sinakyan ng babaeng ito patungo sa kaniyang kasal. Ang kalabaw ay may hatak hatak na tila isang karwahe na puno ng disenyo. At talaga nga namang hindi maalis ang ngiti at tuwa sa mukha ng babaeng ito habang siya ay lulan ng isang kalabaw sa huling mga sandali niya bilang isang dalaga.






error: Content is protected !!