Categories: Showbiz

Mga artistang lampas 40 na pero siguradong magagandahan ka pa rin sa kanila

Isang malaking hamon para sa marami ang mapanatili ang taglay na kagandahan o kagwapuhan. Upang mapanatili kailangan ng matinding disiplina sa sarili at ang iba ay talagang gumagastos upang maging kaaya-aya pa rin sa pangin ng mga taong naka-paligid. Ang pagpapanatili ng kagandahan ay hindi biro lalong-lalo na sa mga kababaihan. Dumarating sa punto na magkaka-anak at ito ang isa sa pinaka-malaking pagbabago sa pisikal na itsura. Pero para sa mga artistang ito, pinatunayan nilang ang kagandahan ay hindi lamang para sa mga kabataan. Pinamalas ng mga sikat na personalidad na ito na napanatili nila ang mala-diyosa nilang itsura sa kabila ng kanilang edad.

Ito ang ilan sa mga sikat na artista na maganda pa rin kahit lamaps 40 na:

1. Alice Dixson


Isa sa mga kinabilawan ng mga kalalakihan noon ay si Alice Dixson. Pero kung mapapansin ay tila ba parang hindi tumatanda ang kanyang itsura. Ang ganda pa rin niya. Siya ay pinanganak noong July 28, 1969. Ang dating beauty queen ay nagumpisang sumikat dati bilang isang commercial model. Kahit na sa edad na 44 ay walang katulad pa rin ang kanyang alindog.

2. Dawn Zulueta


Isa rin si Dawn Zulueta na hinangaan ng mga kalalakihan dati. Ang sikat na artista ay ipinanganak noong Marso 4, 1969. Kahit na may dalawang anak sa asawa niyang si Antonio Lagdameo Jr., napanatili pa rin niya ang kanyang magandang mukha at katawan.

3. Gretchen Barretto


Isa sa pinaka-sikat sa magkakapatid na Barretto ay si Gretchen. Pinatunayan niyang ang kanyang kagandahan ay walang kupas. Ipinanganak noong Marso 6, 1970, ang artistang ito ay maraming talento katulad din ng pagkanta. Para sa inyo sino mas maganda kina Gretchen, Marjorie, o Claudine?

4. Angel Aquino


Siya ang nagpatunay sa pamamagitan ng isang pelikula na “Glorious” na hindi hadlang ang edad sa pagpapakita ng kagandahan. Ipinanganak noong Pebrero 7, 1973, si Angel Aquino ay may dalawang anak na babae na ang pangalan ay Iana at Thea.

5. Lucy Torres-Gomez


Ang isa sa Diyosa ng kaputian at galing sa pagsasayaw. Siguro ay kapag nakita mo itong babaeng ito ay baka masilaw ka sa taglay na kaputian. Ipinanganak noong Disyembre 11, 1974, ang magandang diyosa na ito ay asawa ni Richard Gomez at may anak na babae na ang pangalan ay Juliana.

6. Carmina Villaroel


Isa pa sa mga artistang nagtataglay ng sobrang kaputian ay si Carmina Villaroel. Siya ay ipinanganak noong Agosto 17, 1975 at asawa ni Zoren Legaspi. Sa taglay na kagandahan ni Carmina, madalas pa rin siyang makita sa maraming palabas at commercial. Kadalasan ay kasama ni Carmina ang kanyang pamilya sa ilang commercial.

7. Ruffa Gutierrez


Isa sa mga sikat na artista na hindi rin kumukupas ang kagandahan ay si Ruffa Gutierrez. Siya ay isang beauty queen at nanalo dati bilang second runner-up sa Miss World 1993.

8. Sunshine Cruz


Siguradong mapapa-wow ka sa kagandahan at alindog ng artistang ito. Hindi mo maiisip na lamapas 40 na ang edad niya kahit na may tatlo na siyang anak. Si Sunshine Cruz ay ipinanganak noong Hulyo 8, 1977 at dating asawa ni Cesar Montano.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago