Isang Japanese artist ang nagpamangha sa marami dahil sa kaniyang husay sa pagpipinta sa maliliit na bato na aakalain mong totoo talaga!



Si Akie Nakata ay isang stone artist. Siya ay isang Japanese artist na nagpipinta sa mga maliit na bato ng mga kakatwa na mga hayop na mahahawakan mismo ng iyong mga palad. Nagkakaroon siya ng inspirasyon sa mga bato sa kaniyang paligid na nakakapukaw ng kaniyang atensyon, dahil na rin sa mga hugis ng mga bato na ito ay nakakalikha siya ng mga hayop na nalalapit sa mga hugis ng bato na ito.


Bata pa lamang si Akie ay nangongolekta na siya ng mga bato. Nagsimula naman siyang magpinta sa mga ito taong 2011. Habang naglalakad siya sa tabing-ilog ay may nakita siyang bato na tila hugis kuneho. Kinuha nga niya ang batong ito at sinimulang pintahan pag-uwi niya sa kanilang tahanan.




Doon nga nagsimula ang kaniyang hilig sa pagpipinta sa mga batong matatalisod niya sa daan. Sadyang napakadetalyado ng proseso ng kaniyang pagpipinta. Una siyang namimili ng mga bato na naayon sa hayop na kaniyang ipipinta. Sinisigurado niyang nakalinya ng maayos ang “backbone” ng hayop na kaniyang gagawin at hindi sumasaliwa sa natural na hubog ng bato.



Matapos nito ay sinisimulan na niyang pintahan ng “acrylic paint” ang bato at nakakagulat na ito ay nabibigyan niya talaga ng buhay! Huli niyang pinipinta ang mga mata ng hayop na kaniyang nililikha at masasabi lamang niyang tapos na ang kaniyang obra-maestra kung sa tingin niya ay tinitingnan siya pabalik ng kaniyang pinitang hayop sa bato.



At ang resulta nga nito ay ang mga hayop na talaga namang kamangha-mangha ang pagkakapinta sa mga bato. Ilan lamang sa kaniyang mga likha ay aso, pusa, kuwago, daga, elepante, at maging isang buong pamilya ng “opossum”. Ito ang ilan sa kaniyang mga kakaiba at talaga namang nakakamanghang mga gawa:




error: Content is protected !!