Isang ama ang nagsusumikap na makabenta ng maraming banana cake upang makalikom ng P1.6 milyong piso na kinakailangan para sa liver transplant nito!



Isang lalaki ang naging usap-usapan sa social media dahil sa pagbebenta nito ng banana cake para makalikom ng sapat na halaga na gagamitin para sa liver transplant ng kaniyang anak. Talaga namang pumakaw ito ng atensyon ng maraming mga netizen na naantig sa pinagdaraanan ng mag-ama.



Ang founder ng LIver TRansplant Operation o LITRO Babies Philippines, Inc. na si Jenny Sumalpong ay nagbahagi ng larawan ng mag-ama na ito sa social media. Kasama ng mga larawan ay ang mga salitang ito, “This breaks my heart. They are selling banana cakes to raise funds (P1.6 million) for Baby Aqui’s liver transplant. A father’s love for his son. Salute to you, Sir. Bili na po kayo. Paki-share, please, para marami bumili at para maoperahan na si Baby.”


Tunay ngang kirot sa puso ng marami ang mga larawang ito ng isang ama na nagpupursigi, nagsusumikap, at hindi nawawalan ng pag-asa para sa kaniyang munting sanggol. Maraming mga netizen ang hindi na napigilan pang magkomento patungkol sa sitwasyon ng mag-ama. Ilan sa kanila ay nag-tag ng kanilang mga kakilala upang mas lalo pang maikalat ang larawan ng mag-ama. Habang ang ilan naman ay nag-alay ng kanilang mga dalangin na nawa ay may mga taong busilak ang mga puso na tumulong sa mag-ama na ito. Habang ang ilan naman ay nangako na ng tulong sa pamilyang ito.


Maging ang ilang mga pulitiko ng Calamba City, Laguna ay pinakiusapan din ni Sumalpong at hiningian ng tulong. Sa kasalukuyan ay mayroon nang higit sa 15,000 na mga comment, higit sa 35,000 na reaksyon, at higit sa 124,000 na share.