Mga larawan ni Julia Montes na magpapakitang masaya siyang namumuhay sa Germany



Si Mara Hautea Schnittka o mas kilalang Julia Montes ay isa sa mga kilalang aktres ng ABS-CBN. Ipinanganak siya noong March 19, 1995. Nagumpisa siya sa pagiging artista sa “Goin’ Bulilit” noong siya ay bata pa lamang. Pero mas naging kilala ang aktres noong siya ay gumanap bilang Clara sa sikat na teleserye ng ABS-CBN na “Mara Clara”.


Marami ang humanga sa aktres dahil sa angking husay niya sa pagiging artista at sa kagandahan niyang taglay. Marami ding mga naging commercial ang dalaga at talagang hinahangaan ng maraming kalalakihan.




Pero marami rin ang nagtataka kung bakit bigla-bigla na lamang siya nawala sa showbiz. Ating alamin kung nasaan na siya ngayon at kung ano na ang buhay niya ngayong wala siya sa mundo ng showbiz. Nakaraang taon ay nabalitaan ang pagpunta niya sa Germany upang bisitahin ang kanyang ama na matagal na niyang hindi nakikita. Ang kanyang pagbisita ay tumagal ng ilang araw, at tumagal ng maraming linggo, at inabot na ng maraming buwan. Kaya naman naging usap-usapan na ang naging dahilan ng kanyang matagal na pagkawala sa showbiz at ilan dito ang mga ganitong haka-haka.


May ilang nagsabi na maaaring buntis siya at ninais niyang itago ito sa publiko. Pero ito naman ay itinanggi ng kanyang manager na si Erickson Raymundo at sinabing hindi ito totoo. Ang iba naman ay sinabing gusto lamang niyang umiwas sa kay Coco Martin. Pero ano man ang iniisip ng maraming tao, sa kanyang mga social media accounts ay mapapansing masaya siya sa bawat litrato na magpapakita ng kanyang mga ginagawa sa Germany.



Mapapansin sa mga larawan na siya ay masaya na kapiling niya ang kanyang ama. Makikita rin na masaya siyang naninirahan sa kanilang bahay at kasama ang mga alagang aso. Marahil ay sa kanyang paglagi sa Germany ay natagpuan niya ang kaligayahan na kasama ang mga mahal sa buhay.


Ano sa tingin niyo? Babalik pa kaya si Julia Montes sa Showbiz?





error: Content is protected !!