Isang milyonaryong Thai farmer nag-alok ng sampung milyon sa kung sinuman ang magnanais na pakasalan ang kaniyang anak.



Isang Thai farmer ang hindi na makapaghintay pa na makapagpakasal ang kaniyang 26 na taong gulang na anak kung kaya naman siya ay naglaan ng malaking halaga sa kung sinuman ang magpapakasal sa kaniyang anak na babae.


Ang 58-taong gulang na si Arnon Rodthong ang nagmamay-ari ng pinakamalaking durian farm sa bayan ng Chumphon sa Thailand. Ang kaniyang 26 na taong gulang na anak na si Karnsita ang kaniyang kaagapay sa pagpapalago ng kanilang negosyo. Ngunit kahit pa matagumpay na sila ay tila hindi nito makukumpleto ang kasiyahan ng ama hangga’t makita niya ang kaniyang anak na masaya sa buhay may asawa.




Bagamat tradisyon na sa Thailand ang pagbibigay ng “dowry” sa pamilya ng babaeng ikakasal, handa niya itong hindi sundin para lamang sa minamahal na anak. Dagdag pa ng mapagmahal na ama, kusang-loob din siyang magbibigay ng 10 milion Thai baht o halos US$315,000 maging ang kaniyang durian farm para sa kaniyang magiging manugang.



Paglilinaw din naman niya, hindi magiging problema ang nasyonalidad basta’t siya ay magsusumikap na pasayahin at paligayahin ang kaniyang anak. Dagdag pa ng ama ay handa niyang ibigay lahat ng kaniyang ‘assets’ sa oras na magkaroon na siya ng magiging manugang.


Ayon naman sa ilang ulat, nalaman ng anak niyang si Karnsita sa isang kaibigan ang plano ng kaniyang ama. Siya ay nagulat ngunit mas natutuwa din siya sa ginawa ng kaniyang ama. Dagdag pa niya kung magkakaroon man siya ng kasintahan o asawa ay nais niya talaga ang isang lalaki na mamahalin ang kaniyang pamilya higit sa lahat. Tila mahihirapan din daw ang kaniyang magiging asawa na makuha ang mga salaping iyon sa kaniyang ama dahil binabalak niya itong gamitin para sa kaniyang plastic surgery sa Korea.





error: Content is protected !!