Isang ina ang tinulungan ang kaniyang anak na isang service crew na maglinis ng lamesa dahil sa nag-iisa lamang ito at maraming mga customer!



Isang ina ang hindi na nga nagdalawang isip pa na tulungan ang kaniyang anak na sobrang abala sa kaniyang pagtatrabaho sa isang fast food chain. Isang viral na post ang naging usap-usapan sa social media dahil sa pagkamangha ng marami sa malasakit at pagmamahal ng ina na ito sa kaniyang anak. Ang netizen ay nakilala sa pangalang Rubie Lyn Mendoza. Siya ang nagbahagi ng ilang larawan ng kaniyang ina na si Emelia na nagpupulot ng kalat, paper cup at naglilinis ng mga lamesa.



Ikinuwento niya ang istorya sa likod ng mga larawang ito. Ayon sa kaniya ay mayroon siyang kapatid na isang working student. Bukod sa pagpasok sa eskwela ay nagtatrabaho din ang kaniyang kapatid na si Janna sa isang McDonald’s branch sa Navotas.

Isang araw ay napagdesiyunan na ni Rubie at nang kaniyang ina na kumain sa fast food at bisitahin na rin ang kaniyang kapatid na si Janna. Ngunit nang sila ay dumating na sa pinagtatrabuhan ng kaniyang kapatid ay sobrang abala ito sa mga nililigpit niyang kalat dahil sa siya lamang daw ang nakaduty na crew sa kanilang lobby.




Nang nakaorder na ng pagkain si Rubie ay laking gulat na lamang niya nang makita ang ina na tinutulungan ang kaniyang kapatid. Marahil ay hindi na matiis ng ina na makitang nahihirapan ang anak kung kaya ito ay tumulong na rin sa kaniya. Maaaring sa iba ay simpleng gawa lamang ito ng isang ina ngunit sa marami ito ay malinaw na paalala na ang mga ina kailanman ay hindi magdadalawang isip na tulungan ang kanilang mga anak.

Ayon pa kay Rubie ay lubos niyang ipinagmamalaki ang kaniyang ina na walang hanggan at walang katumbas ang pagmamahal sa kanilang magkapatid.




error: Content is protected !!