Categories: Viral

Ipinaliwanag ng lalaki na ito ang mga dahilan kung bakit hindi yumayaman ang mga Pilipino!

Kilala tayong mga Pilipino na mayroong malaking pagmamalasakit at pagpapahalaga sa ating mga mahal sa buhay. Tunay ngang isang pamilyang Pilipino ay hindi lamang binubuo ng isang ama, ina, at mga anak nito. Dahil sa katunayan ay kilala din ang ating lahi sa “closed-family ties” at “extended families”. Kadalasang ang mga magulang ay ninanais na makasama ang kanilang mga anak kahit pa pamilyado na ang mga ito sa iisang bubong.


Kung ito ay isa sa mga pinagmamalaki nating katangian, isang netizen naman ang nagbigay ng opinyon patungkol dito. Siya ay nakilala bilang si David DiMuzio ay tila hindi sumasang-ayon sa nakasanayan nating kaugalian at sinagot din niya ang katanungang “bakit nga ba hindi yumayaman ang mga Pilipino?”. Nauna nang ipinakilala ng dayuhan ang kaniyang sarili. Ayon sa kaniya ay mula rin siya sa mahirap na pamilya kagaya ng ilang mga Pilipino. Noong kabataan niya ay mga pinagliitang damit lamang ang kaniyang isinusuot at nasaksihan niya ang pagsusumikap ng kaniyang ina na maitaguyod silang anim na magkakapatid. Sa kabila ng kaniyang pinagdaanan ay ipinagmalaki niyang kumikita na siya ngayon ng milyonh dolyar bilang isang “performer”. Dagdag pa niya ay masaya siyang nakakatulong sa kaniyang mga kamag-anak at kaibigan dahil sa pagbibigay niya ng mga oportunidad sa mga ito.


Ibinahagi din niya ang kaniyang karanasan sa pakikipag-date sa isang Pilipina. Naibahagi ng Pinay na nurse na wala siyang pera at kahit ipon man lamang. Nagulat si David nang malaman na sinusuportahan ng Pilipina ang kaniyang pamilya mula sa pera na kinikita nito.

Binigyang-diin ni David na kung ang isang tao ay sumusweldo ng hindi naman kalakihan ay hindi na nito responsibilidad na ibigay pa ang sweldo niya sa kaniyang pamilya. Sinabi din niyang mas nararapat na turuan ang isang tao na mangisda kaysa bigyan siya ng isda.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago