Categories: Viral

Karagdagang 28 na ruta ng Point-to-Point Bus Service, inilunsad na!

Ang Premium Point-to-Point (P2P) Bus Service ay inilunsad noong 2016 upang makatulong sa labis na bigat ng trapiko sa Metro Manila. Ang proyektong ito ay nagnanais na makapagbigay ng ligtas, komportable at alternatibong sakayan ng publiko gayundin para sa mayroong mga pag-aaring sasakyan upang sila ay mahikayat na sumakay na lamang sa mga pampublikong sasakyan.


Noong ika-12 ng Marso, ang Philippines’ transport regulator ay nagbukas ng karagdagang 28 na ruta para sa mga “commuters”. Maaari na silang makagamit ng Premium Point-to-Point (P2P) Bus Service. Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Memorandum Circular 2019-010, ang mga bagong ruta ng P2P bus ay ibabahagi sa 16 na franchise packages.


Kung ikaw ay galing sa Angat, Balagtas, Pandi at Plaridel, Bulacan ay maaaring bumaba sa North EDSA, Quezon City. Kung sa Philippine Arena ka naman nagmula ay maaaring bumaba sa Clark Pampanga, Calumpit Bulacan, La Union at Central Quezon, City. Kung sa lugar ng Calamba, Laguna ka naman nagmula ang magiging dulong ruta ay ang Makati City, BGC/Fort Bonifacio, Taguig City, at Lawton sa Maynila. Kung ang biyahe naman ay magmumula sa NAIA/PITX at Clark Pampanga, sa Baguio ang magiging babaan nito. Mula naman sa Batangas, City ay maaaring magtungo sa Alabang, Lawton, at PITX samantalang kung galing ka naman sa Lipa, Batangas ay maaari kang bumaba sa Alabang, Lawton, Ortigas at PITX.


Mayroon din namang P2P bus service sa Visayas kung saan kung ikaw ay magmumula sa Cebu, City maaaring magtungo sa Lapu-Lapu City, Danao City at Sibonga sa Cebu. Samantalang sa Iloilo City naman ang bus ay makararating ng Iloilo International Airport, Caticlan, at Kalino Airport. Mayroong 15 unit ng P2P bus na bumabiyahe sa Metro Manila tuwing rush hour. Mayroong 800 na pasaherong naseserbisyuhan tuwing umaga samantalang 600 naman kapag gabi.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago