Kilalanin si ‘Paningning’ ang asong natutulog na parang tao



Maraming pinoy ang nakaka-hiligan ang pagaalaga ng aso. Tinuturing na matalik na kaibigan ang aso dahil talaga namang po-protektahan ka nito sa oras ng kapahamakan. Bukod pa dito ay malalambing ang mga aso at nararamdaman dn ng mga alagang aso ang nararamdaman ng kanilang mga amo.


Kaya madalas na kinukuhanan natin ng litrato ang mga alagang aso dahil bukod sa mga katangian nila, matutuwa din sa taglay na magagandang itsura nila. Kaya pag may mga kakaiba o magagandang pangyayari sa mga alagang aso, agad itong kinukuhanan ng litrato.




Katulad na lamang ng isang babaeng ito na hindi lubos akalain na sisikat ang kanyang alagang aso dahil sa kakaibang paraan ng pagtulog nito. Isang dog lover si Janess Cua at mayroong 11 na asong inaalagaan. Isa sa mga alaga niya ay ang asong trending ngayon sa social media. Ang asong ito ay sumikat dahil sa nakakatuwang itsura ng kanyang pagtulog. At kung matulog ang asong ito ay para bang isang tao.


Ito ang sinabi ni Janess:
“Honestly hindi ko po ineexpect na mag trending siya kasi po always naman ako nagpopost ng pic ng mga dogs ko kasi nagiging happy ako ‘pag pinipicturan ko po sila,”


Ang asong ito ay si ‘Paningning’. Nagmula ang pangalan niya mula sa anak ni Janess.
“Naisip po nung daughter ko na kasi naiiba siya kaya maningning hanggang sa naging paningning po kasi gusto niya letter P,” sabi pa ni Janess.


Talaga namang marami ng taga-hanga ang asong ito na sumisikat na sa social media. Ginagawan na rin ng mga fan page sa Facebook si Paningning at iniisip pa ng may-ari kung gagawan niya ba ng official account.


Sa sobrang sikat ni Paningning, siya ay makikita sa isang magazine sa Estados Unidos ito ay ang New York’s Complex magazine.



Sleeping time.. ??(c) Janess Cua

Posted by Paningning on Sunday, March 31, 2019

Talaga naman kasing nakaka-good vibes at maaaliw ka kung makikita mo ang napaka-cute na si Paningning.




error: Content is protected !!