Categories: Showbiz

Ipinakita ni Melai ang magandang lugar kung saan dito sila nagkaayos ni Jason

Isang normal na bagay para sa mag-asawa na magkaroon ng away. Minsan ang mga simpleng bagay na pinagtatalunan ay napupunta sa matinding problema. Gayon pa man, kahit na normal ito, ito dapat ay maayos dahil ang problema ay dapat hindi pinapatagal.


Kapag away mag-asawa, dapat lamang isipin ang kapakanan ng mga anak at ang sinumpaang pangako noong ikinasal. Dapat ding alalahanin ang mga matatamis na araw ng pag-iibigan. Mas mabuting kalimutan ang mga hindi magaganda at alalahanin ang mga matatamis na sandali ng pagmamahalan. Mas mainam din kung walang sumbatan na magaganap at tanging pagpapatawad lamang ang umiiral. Tanggapin ang mga pangyayari at harapin ang kinabukasan.


Katulad na lamang ng ginawang pag-aayos ni Melai at Jason. Sa palabas na Magandang Buhay, ipinakita ni Melai sa mga kapwa niyang momshies na sina Jolina at Karla ang lugar kung saan nagkaayos sina Melai at Jason.


Sa programa ay ipinakita ng ‘Magandang Buhay’ ang kagandahan ng Sarangani Highlands. Ipinakita ni Melai kung bakit ito ang napili nilang lugar upang pagusapan nila ang mga pagsubok na dumating sa kanilang relasyon at upang magka-ayos.

Pagpasok pa lamang nila Melai, Jolina at Karla sa lugar, ibinabahagi na ni Melai kung bakit ito ang napili nilang lugar. Pabiro mang sinasagot ni Melai, makikita sa mukha niyang masayang alaala ang naramdaman niya sa lugar na ito. Binanggit ni Melai na mahilig si Jason sa mga magagandang tanawin at upang mas maging maaliwalas ang kanilang pag-uusap at maging detalyado ang pagaayos ng problema. Itinuro din niya sa mga kasamang moshies ang puno na inakyat ni Jason. Nabilib naman si Jolina dahil naakyat ito ni Jason. Mapapansin sa lugar na maganda ang tanawin. Para itong parke na may over-looking-view at maraming upuan at puno.


Sa huli ay itinuro ni Melai ang pwesto kung saan sila nagusap at nagka-ayos ni Jason. Natuwa din ang mga momshies sa mga Koi Fish na nakita.

Editor Juan

Recent Posts

KC Concepcion ibinahagi ang bagong swimsuit photos

Kamakailan lamang ay nagbahagi ng mga larawan sa social media accounts si KC Concepcion, isang…

1 year ago

Usap-usapang lolo na bumili ng sasakyan in cash, ibinahagi ang simpleng pamumuhay

Si Lolo Manuel Almere, 80 taong gulang, ay naging viral noong nakaraang mga araw dahil…

2 years ago

Kaklase ni Nadine Lustre noon, masayang binahagi ang mga alaala nila patungkol sa “kisses” noong elementarya

Elementarya ang isa sa pinakamasayang yugto ng ating buhay bilang bata. Dito nagsisimula ang paghubog…

2 years ago

Isang OFW sa Japan, ginawaran ng parangal matapos magligtas ng buhay ng isang Haponesa

Kamakailan lamang ay may ulat mula sa Unang Balita patungkol sa isang Pinoy sa Japan…

2 years ago

Efren ‘Bata’ Reyes nagkamit ng Bronze Medal sa ginaganap na 2022 Sea Games.

"The Magician" kung tawagin si Efren 'Bata' Reyes dahil sa angking galing sa larangan ng…

2 years ago

Willie Revillame, nag-alok kay Herlene Budol “Hipon Girl” ng matitirhang unit sa Wil Tower

Isa sa pinaka maimpluwensyang host sa Pilipinas si "Kuya Wil" o Willie Revillame. Kamakailan ay…

2 years ago