Sila ang mga sikat na Hollywood na artista na napa-balitaang tumaba



Sadyang napaka-hirap panatilihing maayos at maganda ang ating pangangatawan. Matinding disiplina at regular na ehersisyo ang kinakailangan upang mapanitili ang maayos at magandang pangangatawan.

Kinakailangan gawin ito ng mga sikat na artista, dahil ito ang kanilang puhunan sa kanilang trabaho. Pero ano ang nangyari sa ilang mga sikat na artista na ito na biglaang nagtabaan? Kilalanin natin sila.



Brendan Fraser


Isa sa mga sikat na Hollywood na aktor ay si Brendan Fraser. Sa edad na 50 ay marami ng mga naging pelikula ang aktor na ito. Mula noong 1990’s at 2000’s ay may mga kilalang mga pelikula siya na naging patok sa takilya. Ilan dito ay ang “George of the Jungle”, “The Mummy trilogy”, “Bedazzled” , at “Crash” .


Ngunit marami ang nagulat sa biglaang pagbabago sa pisikal na anyo ni Brendan Fraser. Ang dating mayroong matiponong katawan ay tumaba na ngayon. Ang naging pagbabago ng kanyang katawan ay dahil na rin siguro sa hinaharap niyang problema sa kalusugan.

Channing Tatum



Kilala din si Channing Tatum hindi lamang sa galing niya sa pag-arte pati na rin sa kagalingan niya sa pagsasayaw. Ang pelikulang “Step Up” ang isa sa magpapatunay nito. Mas sumikat pa siya sa ilang palabas katulad ng “White House Down”, “Coach Carter”, “G.I. Joe: The Rise of Cobra”, at “G.I. Joe: Retaliatoon”.

Mapapansin na ang dating matipunong katawan ay nagbago at makikitang tumaba siya. Napabalitaang naghiwalay na sila ng aktres na si Jenna Dewan.



Taylor Daniel Lautner


Sumikat naman si Taylor Daniel Lautner sa pagganap niya ng role ni Jacob Black sa “Twilight Saga”. Dumami ang taga-hanga ng aktor na ito dahil sa pagpapamalas niya ng matipunong katawan. Marami rin ang nabihag ng kanyang mga ngiti. Pero laking gulat ng mga fans niya ang pagbabago ng kanyang katawan. Katulad ng mga nauna ay tumaba rin siya. Gayon pa man, patuloy pa rin ang pagsuporta ng mga fans niya.

Leonardo Decaprio


Sino pa ba ang hindi nakaka-kilala kay Leonardo DeCaprio na gumanap na ‘Jack’ sa pelikulang “Titanic”. Ang magaling na aktor na ito ay isa sa mga malalakas kumitang aktor sa Hollywood at marami na ring naging mga pelikula. Ngunit nagulat din ang marami sa biglaang pagbabago ng kanyang pangangatawan. Masasabing tumaba ang dating matini idol na hinangaan ng maraming kababaihan.



Shayne Ward


Isang magaling na mang-aawit si Shayne Ward. Siya ang pinaka-unang nanalo sa X Factor at naglabas ng isang orihinal na kanta na ang pamagat ay “That’s My Goal” bilang winning song niya sa X Factor. Pero ang dating may magandang katawan ay tumaba na din.

Ano pa man ang naging pagbabago sa pisikal na anyo nila, sila pa rin ang mga hinangaan nating mga artista. Kung ano man ang naging dahilan nila sa pagbabagong pisikal ay dapat lamang na i-respeto ito.




error: Content is protected !!