Isang Pinoy flight attendant ang nagpaanak sa isang Ginang na kambal ang anak habang sila ay nasa eroplano!



Marami ang taong nag-aakala na ang pagiging isang flight attendant ay puro kagandahan pisikal lamang at madaling propesyon dahil sa mga lokal at internasyonal nilang mga larawan ng kanilang mga bakasyon. Ang hindi alam ng marami ay hindi biro ang ginagawa nilang trabaho bago ang kanilang pagbiyahe, habang nagbibiyahe, at pagkatapos nang kanilang biyahe. Dinadaluhan nila ang mga “preflight briefing” upang masiguradong sapat at kumpleto ang supply ng mga pampalamig at pagkain sa eroplano, maging ang iba’t-ibang emergency equipment at sinisigurado din nilang maayos at ligtas gamitin.


Sinisigurado nilang malinis ang cabin, nagtuturo ng tamang paggamit ng mga safety equipment sa mga pasahero, sinisigurado nilang nakasusunod ang lahat sa mga itinakdang requirement, at sila din naman ang nagbibigay ng iba pang pangangailangan ng mga pasahero habang nasa biyahe. Sila din naman ang inaasahang mag-ingat sa mga pasahero anumang oras lalo na sa oras ng emergency.


Kamakailan nga lamang ay namangha ang marami sa kakaibang karanasan na ito ng isang flight attendant. Siya ay nakilala bilang si Jon Paul Reyes. Nito lamang Abril 27, 2019, ang biyahe ng kanyang eroplano ay mula Riyadh patungong Maynila nang ang buntis na si Maricel Rogelio Cantos ay nangailangan ng emergency delivery.
Buti na lamang at isang Registered Nurse pala si Reyes na nagtapos sa Unibersidad ng Santo Tomas (UST)-College of Nursing. Taong 2013 nang nagtrabaho siya bilang isang flight attendant sa PAL o Philippine Airlines.


Habang nasa biyahe diumano ang kanilang eroplano ay mayroong lumapit sa kaniya at nagsabing malapit na yatang manganak ang kaniyang misis, narito ang naging pahayag niya sa nangyari:
“I examined the passenger and located the pàin in her lower abdomen, radiating down her legs, particularly in the upper thighs. She said that the pàin scale was 7 to 8 over 10, and that she was experiencing it in regular intervals.”



Pinayuhan ni Reyes na mag-iba ng posisyon sa pag-upo si Cantos o di kaya naman ay bahagyang maglakad lakad muna sa eroplano. Ngunit sinabi nitong lalabas na ang bata sa kaniyang sinapupunan. Agad naman niyang natulungan ang ina na mailuwal ang bata ng maayos. Nang inakala nilang maayos na ang lahat ay nagulat silang kambal pala ang nasa sinapupunan ng ina at mayroon pang isang bata sa kaniyang sinapupunan, dahilan upang mag-emergency landing sila sa Dubai.


“It was truly a fulfilling experience for me. I was amazed that I still have knowledge about OB, even though my only experience with it was while I was still studying in college. I owe those lessons to my professors in the UST College of Nursing,” pagbahahagi pa ni Reyes.



error: Content is protected !!