Ibinahagi ni Sugar Mercado ang pasasalamat niya kay Willie Revillame sa pagbibigay sa kanya ng bagong Kotse



‘Bigyan ng Jacket!’ ayan ang sikat na katagang sinasabi sa sikat na programa ni Willie Revillame na ‘Wowowin’. Tunay na maraming tao ang nabiyayaan na ng kabutihan ni Kuya Wil. Kaya naman maraming sumusubaybay sa kanyang programa dahil sa mga kabutihang ipinapakita niya sa mga tao.


Pero hindi lamang mga mahihirap ang nabibiyayaan ng kabutihan ni Kuya Wil pati narin ang mga kasama niya sa programa. Katulad na lamang ng co-host niya na si Sugar Mercado sa programang ‘Wowowin’.




Ibinahagi ni Sugar Mercado ang kanyang pasasalamat sa social media ang regalong natanggap niya kay Kuya Wil. Isang bagong kotse ang natanggap niya bilang pamasko.  Si Sugar Mercado ay isang ina na may dalawang anak. Nakilala si Sugar sa pagiging magaling na host sa programang ‘Wowowin’.


Ito ang sinabi ni Sugar Mercado sa kanyang post:
“Thank you for your big Heart! Mas magiging happy lalo ang Christmas namin ng mga kids ko! We love you. Maraming salamat kuya Wil, napakabuti mo sa aming lahat.”



Lahat naman siguro ang makatanggap ng ganitong regalo ay matutuwa. Pero siyempre bibihira lang ang ganitong pagkakataon. Kaso nga lang, hindi lahat ng mga post ay ikinatutuwa ng ibang tao. Ang iba ay nagbibigay ng ibang kulay sa kwento.


May mga ibang netizen ang nag-iisip na kaya siya nabigyan ng kotse dahil iniisip nilang may relasyon sila. Pero kung iisipin nga naman, kung may relasyon talaga sila, malamang ay hindi na nag-share o nagpost si Sugar Mercado. Dahil kung ipinagmalaki ni Sugar Mercado ang kabutihang loob ni Kuya Wil malamang ay talagang taos sa pusong ibinigay ito sa kanya na walang halong malisya.



Hindi lang naman ito ang unang pagkakataon na siya ay natulungan. Ibinahagi niya rin ang minsang natulungan siya sa pagbayad ng mga hospital bills noong siya ay na-ospital.


Ayon kay Sugar Mercado:
“Marami na po siyang naitulong sa akin. Minsan nga ‘yung parang hindi ka nakakapagsalita dahil sobra-sobra na ‘yung naitulong niya sa akin mula umpisa. Na-ospital ako, siya nagpagamot sa akin. May mga ganun na hindi alam ng tao na syempre sa akin malaking bagay ‘yun kasi may anak ako.”




Idinagdag pa niya:
“Kapag naisip mo ‘yun, parang lalo mong gagalingan sa trabaho mo, aayusin mo kasi ‘yung ibinibigay naman talaga niya sa ’yo na tulong ay talagang alam mo ‘yun, sa iba hindi mo ‘yun makukuha,”