Galit na galit ang may-ari ng isang Honda Civic matapos itong banggain ng isang Ferrari ang kaniyang kotse na isang magandang babae pala ang driver!



Galit na galit ang isang driver na lalaki matapos banggain ng isang kulay pula na Ferrari ang minamaneho niyang Honda Civic. Ang banggaan ay naganap sa Xunliao Bay sa Guangdong, China. Agad agad siyang lumabas sa kaniyang sasakyan matapos ng banggaan. Tila wala rin namang balak na lumabas ang nagmamaneho ng mamahaling sasakyan. Ngunit nang dumating na ang mga pulis ay wala na siyang nagawa kung hindi ang bumaba ng kaniyang sasakyan at makipag-usap.


Nang lumabas ang driver ng Ferrari ay laking gulat ng galit na galit na driver ng Honda Civic dahil sa isa palang napakagandang babae ang nagmamaneho ng sasakyang nakabangga sa kaniyang minamaneho. Umamin naman ang magandang babae na nawalan na siya ng sapat na oras upang hatakin ang kaniyang preno kung kaya bumangga ang kaniyang sasakyan.



Marami din naman ang nagulat sa biglaang paghinahon ng lalaking driver dahil sa paglabas ng magandang dalaga. Nang nagsalita na ang magandang babae ay tila namumula ang lalaking driver na mukhang labis labis ang paghanga sa magandang dilag. Talaga namang masisilaw at hahanga ka sa kagandahang taglay ng dalaga na nakasuot ng itim na damit na medyo kita ang kaniyang balat sa baywang at mayroon din siyang mahabang buhok na talaga namang bumihag sa atensyon kahit ng mga pulis na naroroon.


Nagtaka ang marami dahil sa mataas na takong na suot suot ng dalaga marahil ay ito ang dahilan kung kaya hindi siya kaagad nakapagpreno. Ngunit hindi na rin nagsampa pa ng kaso ang mga pulis o maging ang driver ng Honda Civic dahil sa payag namang makipag-ayos at magbayad ang magandang babae ng danyos at pinansyal na gastos para sa nabangga niyang sasakyan. Kung kaya naman hiningi na lamang ng lalaking driver ang numero at tirahan ng dalaga upang maisaayos ang pagpapagawa ng kaniyang nabanggang sasakyan. Tiyak na kahit papaano ay masaya na rin ang lalaking driver dahil sa nakuha niyang impormasyon tungkol sa magandang babae na nakabangga ng kaniyang sasakyan.







error: Content is protected !!