Isang Graphic Artist ang gumawa ng larawan ng Metro Manila na may ‘snow’



Ang Pilipinas ay isang tropikal na bansa na malapit sa Ekwador. Ito ang dahilan kung bakit hindi nagkakaroon ng ‘Winter’ sa bansa. Kaya karaniwan sa mga Pilipino ay nagnanais na maranasan ang ‘snow’ sa ibang bansa. Dahil sa nararanasang matinding init ngayong summer, marami sa atin ang minamabuting magpunta sa mga malalamig na lugar katulad na lamang ng Baguio o kaya naman sa mga resorts.


Sa mainit na panahon nararanasan, may mga iba na nagbababad sa aircon at nagkukulong sa kwarto. May ilan naman na nagpupunta sa mga malls upang magpalamig. Iba naman ay umiinom o kumakain ng mga malalamig na inumin at pagkain.



Minsan ay pinangarap na sana ay nakaka-ranas ng snow ang ating bansa. Isang graphic artist sa Parañaque ang lumikha ng isang larawan sa pagkakaroon ng panagon na ‘winter’ sa Metro Manila.
Ang Facebook user na ito ay si Kurt Ian Ferrer. Ibinahagi niya ang kanyang likhang larawan na may mga bakas ng snow sa paligid ng Metro Manila.  Ayon sa kanyang post, ginawa niya ang larawan upang makita kung ano ang magiging itsura ng Metro Manila kung mayroon tayong winter sa bansa.

Ayon kay Kurt Ian Ferrer:
“I tested how would it look like if Philippines could sometimes experience winter,”


Dalawang larawan ang ibinahagi niya. Sa unang larawan ay makikita ang mga tindahan, puno, at kalsada na nababalutan ng snow. Sa pangalawang larawan naman ay makikita ang LRT Station, kalsada, at mga kotse na may mga snow din sa paligid. Sa unang larawan din ay may nakaka-tuwa siyang inilagay na nagtitinda ng taho at mapapansin na ang dala niyang lagayan ng taho ay may snow.

Idinagdag pa ni Kurt:
“I do think it’s good practice to take real world stuff and put a twist on them, mmmm… hot taho,”



Ang mga larawang ibinahagi ni Kurt ay kumalat at ikinatuwa ng maraming netizens. Tunay nakaka-mangha ang imahinasyon niya na ipinangarap ng ibang pinoy na magkatotoo. Marami ding pinoy na naisip na sana ay maranasan ito dahil sa matinding init na nararanasan ngayon sa bansa.




error: Content is protected !!