Emosyonal na pagkikita ng ama at ng anak nitong OFW, maging ang pagbuhat nito sa anak papasok sa kanilang tahanan viral ngayon ang video online!



Ang pagiging magulang ay isa sa pinakamasayang yugto ng buhay ng isang tao, ito ay isang pagpapala at biyaya mula sa Diyos na may likha. Kahit sino marahil na magulang ang magsasabing kahit gaano pa katanda ang kanilang mga anak ay mananatili pa rin itong mga “baby” nila. Ang kanilang pagmamahal at pagmamalasakit sa kanilang mga anak ay mananatili na habang buhay.



Kamakailan lamang ay pumukaw sa atensyon ng maraming mga Pilipino ang video na ito ng isang ama na sobrang naging emosyonal sa pagkikita nila ng kaniyang anak na isang Overseas Filipino Worker (OFW). Sobrang higpit ng yakap ng ama at buhat buhat pa niya ang kaniyang anak na tila ba isang sanggol.

Isang Jeaprilyn De Padua II ang nagbahagi nito sa social media. Siya ay nagtatrabaho sa Lingsen Precision Ind. Ltd. sa Taichung, Taiwan at kasalukuyan siyang nagbabakasyon ngayon sa Plipinas. Siya ay nagtapos ng kursong Bachelor of Science in Industrial Education (BSIE) mula sa Batangas State University, Balayan Campus sa Batangas.




Nagtatrabaho siya sa ibang bansa at kinakailangan niyang mawalay sa kaniyang pamilya sa loob ng isang taon at higit pa. Kung kaya naman kitang-kita sa mga mata ng kaniyang ama ang labis na pagkagulat at pananabik sa kaniyang anak. Mapapansin sa nasabing viral na video ang pagdating ni Jeaprilyn sa kanilang tahanan lulan ng isang tricycle.

Dahil sa magkahalong pananabik, pangungulila at pagkabigla ay hindi na napigilan ng kaniyang ama ang lumuha at hagkan siya ng mahigpit.Maging ang kaniyang ina at ang kaniyang nakatatandang kapatid ay naroon din upang salubungin siya sa kaniyang pagdating.

Marami ang mga netizen na nakapanuod sa viral video na ito at halos lahat sila ay hindi naiwasan na mangulila sa kani-kanilang mga magulang at ama. Marami din naman ang mga nagkomento na sana ay mayroon din silang mapagmahal na pamilya kagaya ng pamilya ni Jeaprilyn. Ang ilan naman sa mga nagkomento ay pabirong nagpahayag na tila kakailanganin muna nilang magbawas ng timbang upang makaya silang buhatin muli ng kanilang mga magulang.




error: Content is protected !!