Isang babae ang isinugod sa ospital dahil sa labis na pagkonsumo nito ng milktea!



Sa panahon ngayon, milktea ang isa sa pinakapopular na inumin hindi lamang sa Pilipinas kundi sa ibang panig pa ng mundo. Dahil na rin sa malaking demand ng produkto na ito ay marami nang mga milk shops na nagbubukas sa iba’t-ibang lugar sa ating bansa, ngunit ang ilan nga ay nairereklamo dahil sa sobrang haba ng pila ng ilan sa mga milk shops na ito na karamihan ay halos higit pa sa kalahating oras makabili lamang ng inumin na ito.



Wala rin namang mali kung hilig mo talaga o gusto mo talaga ang milk tea, ngunit hindi mo rin dapat ipagsawalang-bahala na ang sobra o labis na pahkonsumo nito ay maaari ring makasama sa iyong kalusugan.

Tulad na lamang ng nangyari na ito sa isang netizen na nakilala bilang si Jeff Nortez Serrano nang siya ay magbahagi ng kaniyang naging karanasan sa social media matapos niyang uminom ng maraming milk tea.


Linggo ng tanghali ng uminom siya ng paborito niyang milk tea na sinabayan pa niya ng maanghang na pagkain. Dagdag pa niya ay hindi lumilipas ang isang araw na hindi niya nilalagyan ng chili oil o chili sauce ang kaniyang mga pagkain para maging maanghang ito.

Sumama na ang kaniyang pakiramdam nung gabi pa lamang na yun ngunit inakala niyang pagod lamang iyon sa trabaho. Lunes ng umaga ay naramdaman niya ulit ang sama ng pakiramdam at lagnat ngunit uminom na lamang siya ng gamot at ipinahinga ito ng siya ay makauwi.


Lumalala ang sama ng kaniyang pakiramdam at dumagdag pa ang pananakit ng kaniyang tiyan. Inakala niyang “hurtburn” lamang ito hanggang sa hindi na niya makaya ang sakit at nagpadala na siya sa ospital. Nang nakarating siya sa ospital ay nalaman ng doktor na milk tea ang naging sanhi ng labis na pananakit ng kaniyang tiyan at sinamahan pa ito ng kaniyang pagkahilig sa maanghang.

Laking pasasalamat na lamang niya na hindi na lumala pa ang kaniyang karamdaman at nangako na susundin lahat ng sinabi sa kaniya ng doktor.