Nakuhanan ng larawan ang anak nina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz na si Elias Modesto sa unang kaarawan nito!



Tunay nga na isang napakalaking biyaya ang pagkakaroon ng isang supling. Halos lahat naman ng mga kababaihan ay nangangarap na magkaroon ng sarili nilang mga anak sa hinaharap na kanilang kakalingain, palalakihin, at gagabayan habang sila ay nabubuhay. At isa na nga sa pinakamasayang okasyon sa buhay ng mga magulang ay ang kaarawan o ang kapanganakan ng kanilang mga anak.


Ang celebrity couple na sina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz ay nagkaroon ng panandaliang paglisan sa industriya ng show business may ilang taon na rin ang nakakalipas. At ngayon nga ay nagdiwang na ng unang kaarawan ang anak nila na si Elias Modesto. Kinasabikan ng marami ang hitsura ng kanilang anak dahil sa madalas ay hindi naman nila pinapakita ang mukha nito sa publiko o sa mga larawan na ibinabahagi nila sa social media.




At sa unang kaarawan nga ng bata ay tuluyan nang nasilayan ng publiko ang maamo at napakaganda nitong mukha. Ang mga larawan ni Elias Modesto kasama ang kaniyang mga magulang ay talaga namang kinapanabikan ng publiko. Ilan nga sa mga piling tao at personalidad na kasama sa selebrasyon ng kaarawan ng kanilang anak ay hindi rin nagpahuli sa kani-kanilang mga social media post at mga larawan kasama ang birthday boy.


Kamakailan din lamang ng mamataan sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo sa Palawan. Mayroong mga larawang kumakalat sa diumano’y comeback movie ng aktor matapos ang “indefinite leave” nito sa industriya ng show business. Isa si John Lloyd Cruz sa mga kilalang dramatic actors sa ating bansa. Sa kabila ng kasikatan ay pinili niya munang mamahinga at mamuhay ng malayo sa gulo ng industriya upang makapagpokus na rin sa kaniyang partner na si Ellen at sa anak nila na si Elias Modesto.




Tunay nga na nakakatuwang isipin na ang dating crush ng bayan na si John Lloyd Cruz ay minabuting unahin ang kaniyang sariling pamilya ng higit pa sa lahat. Isang inspirasyon sa maraming mga Pilipino lalo na sa mga kalalakihan.



error: Content is protected !!