Cardo Dalisay ng “Ang Probinsiyano” kritikal ang kalagayan ngayon at kung hindi siya makakaligtas ay ipaghihiganti siya ng kaniyang ikatlong kakambal!



Sa kabila ng panganganib ng buhay ng karakter ni Coco Martin sa “Ang Probinsiyano” na si Cardo Dalisay sa nakaraan nitong episode noong Hulyo 16 ay marami pa rin sa mga tagasuporta nito ang naniniwalang hindi pa ito ang huling pagkakataon na makikita nila na gagampanan ni Coco Martin ang lead role sa nasabing programa.



Marami pa nga ang nagsasabi na tiyak na susulpot pa ang ikatlong kakambal diumano ni Cardo Dalisay sa nasabing programa upang ipaghiganti si Cardo at ipagpatuloy ang kaniyang misyon. Umani naman ng samu’t-saring sentimyento ang usap-usapan na ito sa social media. Sa nakaraang episode ay tatlong beses sinaksak at limang beses binaril ni Bungo si Cardo Dalisay. Si Bungo ay ginagampanan ng mahusay na aktor na si Baron Geisler.


Sa mga hindi nakaaalam, ang orihinal na kwento ng “Ang Probinsiyano” na mula sa mga pelikula ng hari ng aksyon ng pelikulang Pilipino na si Fernando Poe Jr., ito ay ang pagnanais ng pangunahing tauhan sa kwento na makamit ang hustisya sa pagkamatay ng kaniyang kakambal.


Si Cardo na isang probinsiyano ay tinanggap ang alok sa kaniya na magpanggap bilang si Ador na kaniyang kakambal. Si Ador ay isang mabuting pulis na pinaslang ng isang sindikato nang wala man lang kalaban-laban.



Mayroon na ring ilang kamatayan ang karakter na si Cardo sa halos apat na taong pamamayagpag ng programang “Ang Probinsiyano”, at sa lahat ng ito ay talaga namang nakakaligtas siya palagi.

Kamakailan nga ay binitawan ng kaniyang kalaban na si Bungo ang mga salitang nagpakaba sa maraming tagasubaybay ng palabas, “Balita ko, may pagkapusa ka raw, pero ngayon, si siguraduhin ko na hindi ka na mabubuhay, Dalisay!”


Ano na nga kaya ang kahihinatnat ni Cardo Dalisay sa kaniyang programa na inaantabayanan at sinusubaybayan ng maraming mga Pilipino sa loob man o sa labas ng ating bansa.



Source: Abscbn




error: Content is protected !!