Julia Barretto sa kaniyang dating nobyo: “I will love that guy until my last breath.”



Isa sa pinakahinahangaang love team sa industriya ng show business ang “JoshLia”, o ang tambalang Joshua Garcia at Julia Barretto. Talaga namang maraming mga tagahanga at tagasuporta nila ang kinikilig sa kanilang tambalan lalo na nang naging opisyal na silang maging magkasintahan noong taong 2017. At ngayon ngang 2019 ay talaga namang ginulantang nila ang publiko nang umamin silang hiwalay na at naging matalik na magkaibigan na lamang. Kasunod nito ay sunod-sunod na intrigang ibinabato sa kanila lalo na sa Kapamilya young actress na si Julia Barretto.



Naging maingay na naman ang pangalan ng Kapamilya actress matapos nitong magpahayag ng kaniyang komento patungkol sa dating kasintahan na si Joshua Garcia matapos ang kaniyang kinasangkutang kontrobersya sa hiwalayang Bea Alonzo at Gerald Anderson. Hindi naman nagdalawang isip si Julia na ipahayag ang kaniyang pagpapahalaga sa dating kasintahan.




Habang nasa ASAP Natin ‘To Bay Area show sa San Jose, California ang aktres, ang ABS-CBN Hollywood correspondent na si Yong Chavez ay nagkaroon ng pagkakataong makausap ang aktees patungkol kay Joshua at ito ang kaniyang sinabi:




“I love Joshua. I love that guy. I will love that guy until my last breath.”, ito ang pahayag ng 22 taong gulang na aktres.
Tinanong din si Julia kung anong klaseng tao si Joshua para sa kaniya at ito ang kaniyang sinambat:
“Very supportive and very understanding of so many things, and the guy knows me really well. So whatever happens in life, the guy knows me really well. He knows my heart.”




Napabalitang bandang Hunyo pa ang naging hiwalayan ng dalawa na napag-usapan naman nila ng maayos at nilinaw na walang third party na dahilan ng kanilang hiwalayan. Ito naman ang naging pahayag ng Kapamilya actor na si Joshua Garcia patungkol sa dating nobya na si Julia:
“Espesyal siya, mahal ko pa rin ‘yung tao na ‘yon, ang tagal naming nagsama. At least hindi nawala ‘yung friendship namin. ‘Yun na lang ang ipinagpapasalamat ko.”






error: Content is protected !!