Guro lumikha ng magagandang bulletin board gamit lamang ang chalk!



Maraming mga guro ang talaga namang pursigido sa pagsasaayos at sa pagpapanatili ng kaayusan ng kanilang mga silid-aralan. Hindi lamang upang maging maayos at maganda ang mga silid-aralin kundi upang mas maengganyo ang mga mag-aaral na pumasok sa eskwela at mag-aral ng mabuti. Sa panahon ngayon, maraming mga mag-aaral ang madalas na naiinip at nagsasawa sa mga gawain sa paaralan na mas nagugustuhan pa nila ang magliwaliw sa labas o di kaya naman ay mga oras na wala silang klase.



Upang mas maging interesado ang mga mag-aaral sap ag-aaral ay madalas na ginagawa ng mga guro ang mga makukulay na poster, magagarang bulletin board, at iba’t-ibang mga palamuti sa silid-aralan. Kung marami sa ating mga guro ay mas pinipili na lamang na mag-print ng mga makukulay na poster, kakaiba naman ang ginawa ng isang guro na ito sa Tandag, Surigao del Sur na naging viral pa sa social media dahil sa paglikha ng kaniyang magagandang bulletin boards gamit lamang ang chalk!


Sa katamtamang laki ng board naisipang gawin ni teacher Kenn Joseph Louie Cabrera ang kaniyang “obra-maestra”. Simple ngunit kamangha-mangha ang naisip ng guro na ito na lagyan ng mga drawing ng iba’t-ibang bagay na mayroong kinalaman sa asignaturang inilagay niya sa bawat bulletin board na talaga namang kahanga-hanga.


Ilang araw din tinapos ng guro ang kaniyang pinahirapang bulletin board at talaga namang masisiyahan ang kaniyang mga estudyanteng makita ang kaniyang pinaghirapang gawin.
Isang halimbawa na ang asignaturang “Araling Panlipunan” na mayroong drawing nag lobo, mga element ng panahon, at mga direksyon sa mapa.



Mayroon din itong mga “keyword” tulad ng “lokasyon ng Pilipinas” at “continental drift” na kasama ng mga malikhaing drawing sa loob ng bulletin board. Habang ang bulletin board naman para sa asignaturang Science ay mayroong mga salita na “5Rs for a cleaner environment”, “physical change” at “chemical change”.

Ang bulletin board naman para sa asignaturang MAPEH ay nagpapakita ng mga nota pang-musika at mga drawing patungkol sa “Physical Education”.




error: Content is protected !!