Single dad, nagbihis babae para masamahan ang kaniyang mga anak sa “mother’s day activity”!



Isang single daddy sa Thailand ang nagbihis bilang isang babae dahil sa alam niya ang maaaring maramdaman ng kaniyang mga anak kung hindi sila makakadalo sa “Mother’s Day activity” sa kanilang paaralan dahil sa hindi nila kasama ang kanilang ina habang sila ay lumalaki.



Pinuri ito ng maraming mga netizen sa social media at talaga namang nagustuhan ng kaniyang mga anak. Siya ay nakilala Charna “Ran” Chamnuansok na talaga namang pumukaw sa puso ng maraming mga tao. Sa kaniyang Facebook post ay ibinahagi niya ang kaniyang ginawang pagbibihis-babae para lamang makasama ang kaniyang mga anak sa pagdiriwang nila ng “Mother’s Day” sa kanilang paaralan.


Sa Thailand, ang Mother’s Day ay ipinagdiriwang tuwing ika-12 Agosto. Sa kasamaang palad ay iniwan si Charan ng kaniyang misis ilang taon na ang nakakaraan sa hindi pa malamang kadahilanan. Dahil sa walang ina ang kaniyang mga anak na maaaring makasama ng mga bata sa kanilang school activity ay napagdesisyunan niyang magbihis na lamang bilang isang babae para makasama sa nasabing seremonya.


Isang araw bago ang nasabing selebrasyon ay humingi pa ng tulong ang ama sa pamamagitan ng Facebook nito kung sino ang maaari niyang mahiraman ng mahabang “wig” na kaniyang gagamitin upang sorpresahin ang kaniyang mga anak. Matapos nito ay nagbigay naman siya ng update na pinahiram na siya ng isa sa kaniyang mga kapit-bahay at mayroon ding blusa ang kaniyang lola na kaniyang isusuot kinabukasan. Tuloy na tuloy na nga ang kaniyang pagpunta sa nasabing aktibidad sa paaralan ng kaniyang mga anak.


Kinabukasan nga ay isang kinakabahang Charan ang pumanik sa entablado nang tawagin ang mga bata kasama ang kanilang mga ina. Gaya ng ilang mga estudyante ay galak na galak ang mga bata na naroroon ang kanilang ama upang tumayo bilang kanilang ina. Nagbigay pugay sila sa kay Charan at yumuko sa kaniyang paanan kasabay ng pagbibigay nila ng bulaklak sa kaniya. Ang kaniyang mga anak na sina Name, anim na taong gulang, Ben-Ten, apat na taon ay parehong nasiyahan sa naging pagbabonding nilang mag-aama kahit pa nga ang pagdiriwang na ito ay para sa mga ina at ilaw ng tahanan.






error: Content is protected !!