Jimuel Pacquiao nakaranas ng kauna-unahang talo nito sa boksing!



Si Emmanuel Dapidran Pacquiao ay mas kilala ng buong mundo bilang si Manny Pacquiao sa larangan ng pagboboksing. Siya ay 40 taong gulang na propesyonal na boksingero at kasalukuyang Senador ng Pilipinas. Ayon pa sa maraming mga “boxing historians” si Pacquaio ay itinuturing na isa sa mga “greatest professional boxers of all time”. Siya ay ikinasal kay Jinkee Jamora noong Mayo 10, 2000. Biniyayaan sila ng limang mga anak sina: Emmanuel Jr. (Jimuel), Michael Stephen, Mary Divine Grace (Princess), Queen Elizabeth (Queenie) at Israel. Ang anak nila na si Queenie ay ipinanganak sa Estados Unidos.


Kamakailan lamang ay gumagawa ng ingay ang anak ni Manny Pacquaio na si Jimuel sa industriya ng pagboboksing. Ngunit matapos ang kaniyang apat na sunod-sunod na pagkapanalo ay nakatikim na nga ng una niyang pagkatalo sa amateur boxing ang anak ng Pambansang Kamao na tinagurian din ng publiko bilang si “Pacboy”. Ang una niyang pagkatalo ay sa kamay ni Ng 15 taong gulang na si Ken Danila mula Imus, Cavite. Aminado naman ang panganay ng legendary boxing champion na si Manny Pacquiao na nahirapan talaga siya sa laban nila ni Danila.



Ayon sa ilang mga ulat ay naging agresibo ang batang Pacquaio sa laban nila at ginamit ang paborito nitong 1-2 punch combination ngunit mabilis din naman itong nasagot Danila sa mga suntok na pinakawalan nito. Ayon din sa isang panayam sa nakababatang Pacquiao ay marami nang karanasan sa boksing ang kaniyang nakalaban kung kaya naman nahirapan talaga siyang pabagsakin ito.




Bagamat nabigo sa kaniyang huling laban ay pursigido pa rin itong ipagpatuloy ang kaniyang karera sa pagboboksing. Tuloy pa rin ang boksing para sa 18 taong gulang na si Pacboy. Sinabi din ni Danila na mas tumaas ang kaniyang kumpiyansa sa sarili matapos niyang matalo ang anak ng isang Manny Pacquiaona si Jimuel Pacquiao.






error: Content is protected !!