33 anyos na lalaki masayang masaya sa piling ng kaniyang 67 taong gulang na misis!



Maaaring hindi ito ang tipikal na love story na inyong matutunghayan ngunit talaga namang bibilib ka at mamangha sa wagas na pagmamahalan ng dalawang tao na ito na sa kabila ng kanilang edad sa isa’t-isa.



Mayroong 34 na taong agwat ang mag-asawang Danny at Lorna Cortezano, maraming mga tao ang nag-aakala na mag-ina sila sa tuwing sila ay lalabas at sweet sa isa’t-isa. Ang hindi alam ng marami ay hindi nanay ni Danny si Lorna kung hindi siya ay kaniyang misis.

Ngunit talaga namang hindi nagpatinag ang dalawa at pinatunayan nilang sobrang mahal nila ang isa’t-isa at nangako sila na mamahalin nila ang isa’t-isa habang sila ay nabubuhay. Ang publiko ay talaga namang nagtataka at hindi maiwasang itanong kung paano ng aba sila nagkakilala at napamahal sa isa’t-isa. Hindi nila ikinakahiya ang halos mag-iisang dekada na nilang relasyon.




Si Danny ay isang tindero ng “prepaid load” habang naging suki naman niya si Lorna na kadalasan ay tinetext na lamang siya kung magpapaload ito sa kaniya. Mula noon ay aminado si Lorna na humanga na siya sa binate dahil sa magalang ito at responsable. Para kay Lorna, si Danny ay isang masipag na binata. Lumipas pa nga ang ilang mga araw at buwan ay napamahal na agad si Danny sa kaniyang suki na si Lorna na kung tawagin pa niya dati ay “Madame Lorna”.


Bagamat hindi nabanggit sa kanilang viral video kung mayroon bang asawa at mga anak si Lorna dati ay nabigyang linaw naman na nanligaw si Danny ng taong 2011 at sila nga ay naging magkasintahan na din. Sa kabila ng malaking agwat ng edad nila sa isa’t-isa ay naging maayos at masaya naman ang kanilang pagsasama. Taong 2012, isang taon matapos silang maging magkasintahan ay nagpasya silang magpakasal.

Tulad ng ibang mga mag-asawa ay dumaan din sila sa mga pagsubok ngunit matapos nito ay mas napamahal sila sa isa’t-isa.




error: Content is protected !!