Dingdong Dantes nagreact sa “Hawaiian hula costume” ng anak na si Zia!



Si Jose Sixto Raphael Gonzalez Dantes III ay mas kilala ng publiko sa screen name niyang Dingdong Dantes. Siya ay 39 taong gulang na aktor, mananayaw, commercial model, film producer at product endorser. Siya ay isa sa pinakasikat na artista sa GMA network. Siya rin ang “founding chairman” ng “YesPinoy Foundation” at namamahala sa sarili niyang film studio na “AgostoDos Pictures”.



Kilala din siya bilang Kapuso Primetime King na kabiyak ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera-Dantes. Sa ngayon ay nabiyayaan na sila ng dalawang mga anak, sina Maria Letizia na isinilang noong Nobyembre 23, 2015 at si Jose Sixto IV na ipinanganak naman noong Abril 16, 2019. Labis na kinagigiliwan ng publiko ang cute na cute at nakakagigil na mga anak ng power couple.


Talaga namang ubod ng ganda ni Ate Zia at napakagwapo din naman ni Baby Ziggy na tila nakuha ang kanilang angking ganda at kagwapuhan sa kanilang mga magulang.Kamakailan lamang ay pinahanga na naman ng kanilang tatlong taong gulang na panganay ang publiko dahil sa napakagandang costume nito na “Hawaiian hula” ng tila medyo nagpapakita ng kaniyang baywang.


Narito ang naging caption ng aktor sa larawan ng anak: “So ito ang bumungad sa akin kaninang umaga pagkagising ko. Wala na ako ibang nasabi kundi, ‘bigyan nga ng jacket yan!'” Umani naman ito ng napakaraming mga komento at reaksyon mula sa publiko at mga sikat na personalidad sa show business.



Maraming mga sikat na artista ang hindi napigilang magbigay ng kani-kanilang mga komento tungkol sa costume ni ate Zia kagaya na lamang nina Yasmien Kurdi, Lovely Abella, Kris Bernal, Rodjun Cruz, Kyline Alcantara, Katrina Halili at marami pang iba.

Tunay nga na marami ang natutuwa at humahanga sa pagiging maganda at mabait na bata ni Ate Zia. Tiyak na mahihirapan ang mga magbabalak na manligaw kay Ate Zia pagdating ng panahon lalo na at mayroon siyang mga mapagmahal at mababait na magulang.




error: Content is protected !!