“GrabFood Mom” naging viral sa social media dahil sa pag-aalaga nito sa anak niya habang naghihintay ng order ng customer



Sa panahon natin ngayon, maraming mga kababaihan ang sumusubok na rin sa ilang mga trabaho ng mga kalalakihan para lamang kumita ng marangal para sa kanilang pamilya at mga anak. Halimbawa na lamang ay ang ilang mga kababaihan na nagtatrabaho sa mga construction sites bilang welders at laborers o di kaya naman ay tulad ng ilang mga kababaihan na nagtatrabaho bilang mga truck drivers! Kamakailan nga lamang ay umantig sa puso ng maraming mga netizens ang nanay na ito na binansagan ng publiko bilang ‘GrabFood mom’dahil sa matiyaga niyang paghihintay ng order ng kaniyang customer sa labas ng isang outlet ng McDonalds sa Bangsar, na malapit sa Kuala Lumpur, Malaysia.


Mayroong “GrabFood pack” sa likuran ng babae habang nakasuot siya ng helmet at mayroong dala-dalang bata sa carrier nito sa bandang harapan niya. Mayroon pang isang bata sa kaniyang tabi na marahil ay anak din nito na katulad niya ay tahimik ding naghihintay. Maraming mga netizens ang nalungkot at natuwa sa “GrabFood mom” na ito. Marami din ang nagkomento na ang mga ina talaga ang tunay na bayani sa buhay ng kanilang mga anak. Kahit pa nga mahirap ang mag-alaga ng mga bata ay napagsasabay pa niya ito sa kaniyang trabaho. Marahil ay wala lang din ibang mapagpipiliin ang ina kung kaya kahit delikado at hindi mainam sa mga bata ang nasa labas ng lansangan ay wala siyang ibang mapag-iiwanan sa mga ito.



Napag-alaman naman ng ilang mga netizens na ang lalaki pala sa isa pang larawan ay ang kaniyang asawa at ito pala ang tunay na GrabFood driver at tinutulungan lamang siya ng kaniyang asawa kasama ang kanilang mga anak. Siya ay nakilala bilang si Mohamad Hafifi. Ayon sa mister, mahigit anim na buwan na niyang trabaho ito at ito ay ikalawa na niyang trabaho. Talaga nga namang nakakamangha ang pamilyang ito at ang mag-asawang ito na nagtutulungan para sa kanilang mga anak.





error: Content is protected !!