Napukaw ng post na ito ang damdamin ng maraming mga netizens kung bakit nga ba natin kailangan mag-travel kasama ang ating ina



Naging isa na nga yatang pangarap para sa marami sa atin ang makapamasyal at bumiyahe sa iba’t-ibang bahagi ng ating bansa at maging sa ibang bansa pa. Sadyang nakakamangha din naman ang mga kultura ng iba’t-ibang bansa at mga tradisyon ng bawat pangkat ng tao na ating nararanasan at nasasaksihan sa ating pamamasyal sa iba’t-ibang mga destinasyon na ating napapasyalan.



Kamakailan lamang ay umani ng sari-saring mga komento at papuri mula sa publiko ang isang post na ito ng netizen kung saan sa kauna-unahang pagkakataon ay namasyal at bumiyahe siya kasama ang kaniyang mahal na ina. Ang nasabing netizen ay nakilala bilang si Eric Deluso na nagbahagi ng kaniyang mga natutunan sa pagbiyahe kasama ang kaniyang ina.


Ayon sa kaniya ang ating mga nanay ang isa sa pinakamainam na kasama natin lalo na sa mga biyahe dahil sa alam na natin ang kanilang gusto at ang gusto ng isa’t-isa dahil sa matagal na natin silang kasama at kakilala.


Ang pagkakaroon din ng “bonding time” kasama ang iyong ina ay talaga namang hindi matatawaran. Masasaksihan ninyo ang pagiging cool at carefree ng bawat isa na walang iniisip na kahit ano pa man at nag-eenjoy lamang sa pamamasyal. Ang ating mga ina ang ilan sa mga taong unang nagmahal at nagmalasakit sa atin kung kaya naman masarap din sa pakiramdam na kahit papaano ay nabibigyan sila ng pagkakataon na makapamahinga at magsaya.


Hindi biro ang maging isang ina kung kaya naman marami sa atin ang sumasaludo sa kanila. Dagdag pa ni Eric, nakatipid din siya kasama ang ina sa kaniyang naging biyahe dahil sa walang kapantay ang kakayanan nilang mag-budget. Ang pagkakaroon din ng happy bonding memories kasama ang iyong mahal na ina ay hindi matatawaran ng kahit ano pa man.



Ang nasabing post ay umani ng maraming mga komento at reaksyon sa publiko. Naging isang malaking reyalisasyon din ito sa maraming mga anak na kahit papaano ay bigyan ng panahon ang kanilang mga mahal na magulang sa kabila ng kanilang abalang oras.




error: Content is protected !!